Saturday , December 28 2024

MMFF entries, ibina-bargain

“BINA-BARGAIN sale”. “Ginagawa nilang presyong talipapa”. Ganyan ang comment ng ibang galit na taga-industriya ng pelikula sa biglaang announcement ng MMFF na magbibigay ng discount na 30% sa mga senior citizen, PWD, at maging mga estudyante kung manonood sila ng alin man sa mga indie na kasali sa festival.

Nauna riyan, ang pinakamalaking theater group sa bansa ay nag-alok pa ng isang “super ticket” na babayaran lamang ng P599 at makakapanood ka na ng apat na pelikula. Talagang bagsak presyo na iyan pero ang hinahabol ng mga sinehan ay kumita naman sila kahit paano. Kasi nakikita na nila ang reaksiyon ng publiko na maaaring manood lamang ng isa o dalawang pelikula sa walong palabas ngMMFF. Tinututulan naman iyan ng marami.

Ngayon may mga producer daw na nagsasabing malamang mag-pull out na lang sila sa festival kung magkakaroon nga ng bargain sale. Ang sinasabi nila, malulugi na sila. Ang inaasahan nilang crowd ay iyong mga estudyante lamang dahil definitely hindi kuha ng mga pelikulang iyan ang masa. Eh kung inaasahan mong magtitiyaga sa iyo ay may discount pa, ano pa nga ba ang kikitain mo?

Iyan ay nagsimula lang dahil sa katigasan ng kanilang ulo at pagpupumilit na gawing “all indie” ang MMFF, sa paniwala ngang iyon lang ang pagkakataon na ang mga pelikulang iyan ay makatitikim naman ng maraming sinehan. Pero parang iyong panukalang batas ni Bam Aquino na ang mga tirang pagkain ay ilagay sa isang malinis na lalagyan sa labas ng restaurant at ipakain sa mahihirap, inalmahan ng publiko ang desisyong iyan ng MMDA. Nanood na sila ng sine bago pa man ang festival. Pinanood na nila ang mga pelikulang gusto nilang mapanood, at sa panahon nga siguro ng Pasko, mamamasyal na lang sila sa mga theme park kagaya nga ng Star City, kaysa magtiyaga sa mga pelikulang indie.

Kami mismo, sinasabi nga namin, sa palagay namin dalawa lang sa mga pelikulang iyan ang may katuturan, iyong Seklusyon at iyong Die Beautiful. Hindi namin pagtitiyagaan iyong lahat ng walong iyon. Sasabihin nila suportahan ang industriya. Ano bang suporta ang hinihingi nila eh sila ang pumapatay sa industriya?

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *