Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tetay, wala ng puwang sa malalaking network

PARANG hindi kapani-paniwala na ang dating Social Media Queen na si Kris Aquino ay nagtatag na lang ng sariling Interview Channel sa Facebook. Tila wala na kasing puwang ito sa tatlong giant network.

Anyway marami rin daw namang followers noong i-air ni Tetay ang kanyang interview kay Maine Mendoza na kasamahan sa APT.

Nakaaaliw naman si Kris sa totoo lang dahil punompuno ng pag-iingay saan man ito ma-host kesehodang FB lang.

Sabagay, sa paraang ito sumisikat lalo si Mocha Uson na ngayon ay may malaking papel sa Duterte  administration.

Well, that’s life, kailangang gumawa ng paraan at help yourself or else mawawala ka sa mapa ng mga sikat.

Ystilo salon ni Vina, dumarami pa

NOONG December 10 ay nagpunta si Vina Morales sa SM Tarlac. Wala pa ring kupas ang kagandahan at pagiging singer ni Vina.

Ginawa ang meet and greet niya sa fans sa maraming sangay ng Ystilo Salon sa iba’t ibang lugar sa Tarlac.

Kuwento ng radio announcer na si Joey Austria na nagtatrabaho kay Vina, araw-araw daw nakahilera ang mga gustong magpaayos sa salon ng aktres.

Jessy, naka-jackpot kay Luis

MARAMI ang nagsasabi sa amin na naka-jackpot si Jessy Mendiola kay Luis Manzano. Biruin n’yo, anak ng dating gobernador na ngayo’y kongresista at maraming negosyo ang kasalukuyang karelasyon.

Dasal lang ng mga nagmamahal sa dalawa na sana’y hindi mauwi saw ala ang relasyon ng dalawa tulad ng kay Jennylyn Mercado.

Sana naman daw ay sa simbahan na ang tuloy ng relasyong Luis at Jessy.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …