Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga pelikulang ‘di nakasama sa MMFF, mas kikita pa sa takilya

MAS maganda ang nangyari sa mga totoong pelikula matapos silang maitsapuwera sa Metro Manila Film Festival na puro indie films ang palabas. Iyong Mano Po 7 Chinoy, ilalabas ng mas maaga sa Pasko. Mas makakukuha pa iyan ng maraming sinehan at mapipili pa nila kung saang sinehan sila papasok. Hindi naman kailangan ng Mano Po 7 ang festival, dahil may captive audience na iyan. Suportado iyan ng mga Chinoy gayundin ng mga nag-aaral ng kultura.

Ang maganda pa riyan, sa panahon ng Pasko, sila ang lalabas sa mga provincial theater. Kasi sa ngayon, hindi naman magiging simultaneous nationwide ang mga pelikula ng festival, dahil mga indie nga iyan. Karaniwan nga iyang mga iyan sa isa o dalawang sinehan lang inilalabas eh. Ngayon nga marami nang kinakabahan kung ano ang mangyayari kung mahigit 20 sinehan sila ilalabas.

Pero iyong mga provincial theater, sila na ang kumumbinsi sa Regal na ilabas na agad ang Mano Po 7 bago ang Pasko, para makuha nila iyon sa kanilang Christmas playdate, sigurado nga namang kikita ang mga sinehan. Importante sa sinehan ang kumita ha, lalo na sa panahong sinasabi na malakas ang mga pelikula. Isipin mo kung sa panahong iyon mababalolang ka dahil ang pelikulang palabas sa sinehan mo ay flop, kawawa naman iyong mga tao.

Kulang pa sa koryente at pansuweldo ang kikitain nila.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …