Friday , November 15 2024

‘Bibingka’ ni De Lima 7-taon inaalmusal, nilantakan ni dayan

00 Kalampag percyMGA hangal ang nagsasabing kabastusan kay suspected illegal drugs protector Sen. Leila De Lima ang pag-urirat sa kanyang immoral na relasyon kay Ronnie Dayan na dati niyang driver at ex-lover cum bagman.

Kung karaniwang mamamayan lang na wala sanang puwesto sa gobyerno si De Lima ay maari pang matawag na pambabastos ang pagdiin sa kanyang sexcapade kay Dayan at sa iba pa niyang ‘boylet.’

Bakit may mga nahahatulan ang hukuman at natatanggal pa sa serbisyo sa pamahalaan kung balewala ang batas sa imoralidad?

Mas lalo ngang dapat pag-usapan ang nabulgar na kalaswaan ni De Lima upang maipatupad ang batas hindi lamang sa maliliit na empleyado o opisyal sa pamahalaan nang hindi sila pamarisan.

Sa ibang bansa, dahil sa delicadeza at kahihiyan, ay marami ang kung ‘di man nagpapatiwakal ay mas minabuti pang magbitiw sa tungkulin bilang opisyal ng pamahalaan kapag nasangkot sa katulad na eskandalo .

Hindi dapat balewalain ang public accountability ng mga nasa gobyerno hangga’t may batas na umiiral.

Bago sabihing pambababoy ang paghalukay sa pagkatao ng mga nasa gobyerno, ipabuwag n’yo muna ang batas na nagbabawal sa imoralidad.

Kung ‘di pa rin kontento, ipabuwag na rin ng mga supporter ni De Lima sa Simbahan ang batas na ‘Huwag Makiapid’ sa Sampung Utos.

Lumabas sa pagdinig ng Kamara na pitong taon palang inaalmusal at nilalantakan ni Dayan ang maantang ‘bibingka’ ni De Lima.

Sabi nga, ang baboy daw, kahit gawin pang senador ay baboy pa rin.

Kaya’t ang baboy ay hindi na kailangan babuyin.

BINUKING ULIT
NG COA SI ERAP
SA P54.5-M PDAF

BISTADO na naman ang unlimited na pagkagahaman ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada sa salapi matapos ibulgar ng Commission on Audit (COA) ang halagang P54.5 million na ipinasasauli sa national government.

Ang naturang pondo ay galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel na isinilid sa Maynila.

Matagal nang ipinababalik ng COA ang nasabing pondo matapos maideklarang labag sa Saligang Batas ng Korte Suprema ang PDAF noong December 2013.

Sa report ng COA, hanggang noong December 2015 ay hindi pa isinasauli ni Erap ang kuwarta kahit dalawang taon na ang nakalipas nang mailabas ng SC ang desisyon na ilegal at labag sa batas ang PDAF.

Dahil labag sa batas, nakaw ang katumbas na ibig sabihin ng PDAF.

Pero matatandaan na noong 2013, kahit iniimbestigahan ay nagawa pang mag-divert ng kanyang PDAF si dating Sen. Jinggoy Estrada na pinaghati sa lungsod ng Maynila at Caloocan.

Sabi ni Erap, ibinalik na raw niya sa National Treasury ang kuwarta nitong nakaraang buwan ng October.

Ang kuwestiyon, bakit October 2016 lang ibinalik ni Erap ang nakaw na pondo, imbes pagkatapos dapat maging pinal ang desisyon ng SC na ilegal ang pagsandok ng mga mambabatas sa PDAF?

MGA MTPB ENFORCER
NAPAG-UTUSAN LANG

SA 690 enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na kanyang pinagbibitiw isinisi ni Erap ang pangongotong sa mga motorista at ang hindi masolusyonang problema sa trapik.

Akala siguro ni Erap, ang pagtanggal niya sa MTPB enforcers ay may mapapaniwala siya na hindi siya ang nakikinabang sa nakokolektang kuwarta mula sa lahat ng klase ng pangongotong, kasama na ang koleksiyon mula sa organized illegal vendors na hindi naman pumapasok sa kaban ng lungsod kung ‘di sa bulsa lamang niya.

Ang pangongotong sa mga motorista at illegal vendors ay tuald din ng ilegal na jueteng, pasugalan, illegal drugs o anomang bawal na imposibleng mamunini kung walang basbas ng mga lokal na opisyal at pulisya.

Ungas at baliw na lang ang maniniwala na walang basbas ni Barabas, este, ni Erap, ang illegal terminal ni Bruhang Kulubot na burikak sa harap ng Post Office sa Lawton kaya hindi ito nabubuwag.

‘Yan ang masaklap, pagkatapos silang magamit na botante sa nakaraang eleksiyon ay sila pa ngayon ang napasama at ipinahiya ni Erap.

Alam naman nang lahat na ang mga MTPB enforcer ay napag-utusan lang para mangotong.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAGPercy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *