LAHAT ay nagsasabing walang duda na ang number one sa listahan ng mga celebrity na addict ay isang aktres, kahit na daanin sa pagkatalamak sa droga, o gawin pang alphabetical ang listahan. Pero huwag naman nating husgahan agad, baka naman kung noong araw ay addict siya talaga, baka naman sakaling ngayon ay magbago na.
Pero ewan kung bakit nga ba marami ang naniniwala na wala na siyang pagbabago kahit na sinasabing sumama na siya sa isang grupo na tutulong sa kanyang pagbabagong buhay. “Baka roon pa masira ang grupo,”sabi pa ng isang kritiko.
Huwag naman natin siyang hatulan agad. Ipa-rehab na lang muna. (Ed de Leon)