Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ganap na pagkababae ni Rustom, kasabay ng anibersaryo nina Carmina at Zoren

NAG-POST si Carmina Villaroel sa kanyang social media account tungkol sa anniversary nilang dalawa ng asawang si Zoren Legaspi. Bagamat ang kanilang relasyon ay nagsimula pa noong 2002 yata sa natatandaan namin, nakapagpakasal sila noong 2012, matapos na maisa-ayos na nila ang lahat, pati na ang annulment ng naunang kasal ni Carmina kay Rustom Padilla.

Sa ngayon, ang anak nilang kambal ay kapwa 14 years old na rin.

Maganda ang naging pagsasama nina Zoren at Carmina kahit na noong panahong hindi pa sila kasal. Hindi nababalitang nag-aaway sila. Bagamat siguro nga natural na lang sa mga tao ang nagkakasamaan ng loob kung minsan, sa kaso nilang dalawa ay walang lumalaking problema. Sabi nga siguro isang malaking factor din doon ang kanilang kambal.

Pero natawa kami, kasi halos kasabay ng pagsasabi ni Carmina ng kanilang anniversary ni Zoren, nag-post din naman ang dati niyang asawang si Padilla na siya ay isang “ganap ng babae” at kinikilalang babae ng humukan sa US. Kakatawa ano.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …