Monday , December 23 2024

Kerwin ‘kakanta’ sa senado

00 Kalampag percyMARAMI na namang mambabatas at mga opisyal sa pamahalaan ang kabado sa mga pasasabuging bomba ni Rolando “Kerwin” Espinosa, Jr., sa pagdinig ng Senado ngayong araw.

Siguradong nangangatog sa takot ang mga opisyal na nakatakdang ikanta ni Kerwin sa imbestigasyon ng Senado na nakapaloob sa salaysay na kanyang sinumpaan sa PNP, dalawa raw dito ay kasalukuyang senador, mga congressman, mga gobernador, mga heneral at DOJ prosecutors na nakinabang bilang mga ptotektor sa kanyang malawak na illegal drugs business.

Pero ang ipinagtataka lang natin ay kung bakit may hawak nang kopya ng salaysay ni Kerwin ang ilang personalidad bago ang pagtestigo niya sa Senado.

Alam naman natin na delikadong mapasakamay ng ibang tao ang kopya ng salaysay na ibinigay ni Kerwin sa PNP na dapat sana ay sa mismong oras ng kanyang pagharap sa Senado ipamahagi ang kopya, lalo’t may kinalaman ito sa ilegal na droga.

Ano ang garantiya na hindi maitimbre o makarating sa kaalaman ng mga protektor ni Kerwin na sila ay kasama sa mga nakatakda niyang pangalanan at ihahayag sa Senado kung nakakuha ng kopya ang iba maliban sa PNP?

Alam naman natin na pawang maiimpluwensiya rin ang mga sinasabing pangangalanan ni Kerwin kaya madali para sa kanila na makagawa at makaisip ng taktika na hindi sila mapanagot sa batas.

Matatandaan na noong una ay may magkakaibang listahan ang naglabasan na hindi tugma sa narco-list na hawak ni Pang. Rodrigo R. Duterte.

Siyempre, ang pakay ay intrigahin at dumihan ang narco-list upang isabotahe ang puspusang kampanya ng administrasyon ni PRRD laban sa ilegal na droga.

‘Di ba’t ‘yan din ang suspetsa kung bakit napatay ang ama ni Kerwin na si Albuera Mayor Rolando Espinosa, Sr., sa loob mismo ng kanyang selda sa Leyte provincial jail noong nakaraang buwan?

Umaasa pa rin ang publiko na matamo ang ganap na tagumpay sa inilunsad na kampanya kontra-droga ng kasalukuyang administrasyon.

Harinawa, sa lalong madaling panahon, ay mapanagot sa batas ang talagang mga drug lord at ang kanilang mga protektor sa pamahalaan na kapareho rin nilang salot sa bansa.

Pero sa susunod, sana ay wala nang advance copy!

MULING PAGTATAGPO
NINA DE LIMA AT DAYAN

ARESTADO na si Ronnie Dayan, ang security at driver-sweet lover ni suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima makalipas ang ilang buwan na pagtatago sa mga alagad ng batas.

Kung sa mga nakaraan ay parang puwet ng baboy na nagpupuputak si De Lima tuwing may bagong development sa isinasagawang imbestigasyon na nagsasangkot sa kanya sa ilegal na droga, ngayon naman ay biglang sarado ang kanyang bunganga.

Muling paglalapitin ng tadhana ang landas nina De Lima at Dayan pero hindi bilang magsing-irog kung ‘di bilang mga akusado sa kaso sa imbestigasyon na nag-uugnay sa kanila sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob at labas ng New Bilibid Prisons (NBP).

Si Dayan ang itinuturong bagman na kumukolekta ng payola para kay De Lima mula sa mga convicted drug lord sa NBP.

Siguradong ngayon pa lang ay pinagpapawisan na pati ang singit ni De Lima sa pinakaaabangang mga pagsisiwalat na ikakanta ni Dayan.

Isa na riyan ang mga milyones na nakalagak sa bank accounts na naka-pangalan kay Dayan na hindi tumutugma sa kanyang kita bilang driver at bodyguard ni De Lima.

Ang bank accounts ay suspetsang ipinangalan lamang ni De Lima kay Dayan para maitago na galing ang salapi sa ilegal na droga.

Ngayon ay magkakabistohan din kung saan kinuha ni Dayan ang salaping ipinangtayo ng malaking mansion sa Urbiztondo, Pangasinan na hindi tumutugma sa kanyang kita bilang driver-bodyguard ni De Lima.

Abangan!!!

DIVERSIONARY TACTIC
NA ANTI-MARCOS RALLY

POSIBLENG diversionary tactic lang ang ikinakasang rally ng mga hangal na kumokontra sa ginawang pagpapalibing kay dating Pang. Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Hindi imposibleng pondohan ng perang galing sa droga ang mga ikinakamadang kilos-protesta para ilihis ang atensiyon ng publiko palayo sa issue ng illegal drugs operation sa bansa.

Ang masusugid na nagtatatalak laban sa paglilibing kay FM ay sila rin ang mga nangungunang personalidad na dumidepensa kay De Lima sa kaso ng illegal drugs.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAGPercy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *