NAILIBING na rin sa wakas si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos nitong nakaraang Biyernes sa Libingan ng mga Bayani na tinampukan ng seremonya at parangal na nauukol para sa isang naging sundalo at pangulo ng bansa.
Nabigla at ‘napraning’ ang mga tutol sa pagpapalibing kay FM sa LNMB dahil nabalewala ang mga inihahanda nilang serye ng pambabastos at inoorganisang gimik upang lapastanganin ang paglilibing sa dating pangulo na matagal nang namayapa.
Pero may iba pa sana silang pakay at puntiryang nakatago sa likod ng pagpapalibing kay FM sa LNMB na nawalang saysay – ito ang simula ng mga inihahandang plano laban kay Pang. Rody Duterte na mapabagsak sa puwesto.
Ginagamit nilang isyu bilang kumot ang pagpapalibing kay FM sa LNMB upang takpan ang maitim na hangarin dahil sa hindi matanggap na pagkatalo ng manok ni PNoy na si Mar Roxas kay PDU30.
Akala nila habang panahon na nilang magagantso ang sambayanan at habambuhay na nilang magagamit na multong panakot si FM para sa sariling interes na lang nila umikot ang pagmanipula sa mamamayan at magahasa ang bansa.
Hindi na matapos ang mga paratang ng pagnanakaw laban sa dating pangulo gayong sa loob ng nakalipas na 30-taon mula nang mapabagsak sa poder si FM ay wala silang napatunayan kahit isa.
Sa nakalipas na 30-taon wala naman silang ginawa para panagutin si Marcos sa mga paratang sa kanya.
Nagtayo pa man din ng PCGG, isang ahensiya na hahabol daw sa mga ninakaw at magnanakaw. Ang pakay lang pala ay mapasakanila ang mga sinasabing ninakaw.
Hindi ba’t imbes mabawasan ay lalo pang nabaon ang mamamayan at lumubog sa pagkakautang ang bansa pagkatapos ma- palitan si Marcos ng limang naging pangulo na sumunod sa kanya – sina Cory, Ramos, Erap, GMA at PNoy?
Sino ngayon ang manloloko?
Kawawa naman sila dahil wala na silang nahakot na sisimpatiya sa kanila EDSA.
Bagay na bagay sa kanila ang kawikaang: “You can fool all the people some of the time, and some of the people all the time, but you cannot fool all the people all the time.”
DIVIDE AND RULE
Ayaw kasi nilang magkaisa ang bansa para madali nga namang igiit ang kanilang sarili at madali tayong manipulahin ng mga vested inte-rest, bagay na hindi nila magagawa kapag nagkaisa ang mga mamamayan.
‘Yan ang lumang modus sa politika na kung tawagin ay divide and rule, kailangan ay watak-watak ang mamamayan para laging pabor sa interes nila at ng kanilang mga kapanalig.
Hindi na kasala-nan ni PDU30 kung hindi nakamit ng mga biktima ng Martial Law ang hingi nilang katarungan.
Walang ibang da-pat sisihin kung hindi ang limang naging pa-ngulo na sumunod kay Marcos na sina Cory, Ramos, Erap, GMA at PNoy.
EXPLOITATION AT CHILD ABUSE
PALIBHASA ay naubusan na ng mapapaniwala sa kanilang kagaguhan, ultimo mga musmos at paslit na bata ay kinaladkad na magrali laban kay Marcos, sa pakikipagsabwatan ng mga paaralang pag-aari at pinatatakbo ng simbahan.
Wala kasing nahakot na sisimpatiya ang hiwa-hiwalay nilang rali kaya pati mga walang muwang na batang mag-aaral na walang naiintindihan sa politika ay ginamit nila.
Maliwanag na ‘yan ay exploitation na matatawag kung ‘di man child abuse.
Si Sen. Kiko Pangilinan kaya ang nakaisip sa malaking kahayupan na ‘yan na author ng Juvenile Law, ang batas na ginawang kri-minal ang mga paslit na bata?
ANG 3 SEPULTURERO:
KIKO, RISA, LAGMAN;
NINOY IPAHUKAY DIN
SINTOMAS na ng pagkabuhong ang bantang ipahuhukay daw nina Pangilinan, Sen. Risa Hontiveros at Rep. Edcel Lagman ang inilagak na labi ni FM sa LNMB.
Ganyan kababoy sila mag-isip, sobrang baba na ang uri ng kanilang pagkatao, palibhasa, kaya lang sila may tsansang manalo sa eleksiyon kapag watak-watak ang botanteng mamamayan at ang bansa.
Akala siguro nila, dahil sa pagkasilang sa kanila sa mundo kaya lang naimbento ang paghuhukay ng patay.
Ngayon lang natin nalaman na sepulturero pala ang tatlong ‘yan!
Bakit, sila lang ba ang marunong maghukay?
Paano kung hukayin din ng mga supporter ni Marcos at PDU30 ang libingan ni Ninoy para malaman na ang katotohanan kung sino ang nagpapatay sa tatay ni PNoy?
Abangan na lang natin kung talagang kaya nga nilang gawin ang kanilang banta.
At kung talagang matatapang sila at may palabra de honor ay totohanin nila ang kanilang banta at sila mismo ang humukay, hindi iuutos lang sa iba.
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG – Percy lapid