Monday , December 23 2024

Tapat at matinong abogado si Acosta kahit Bar flunker

00 Kalampag percyITINANONG ni Ma. Milagros N. Fernan-Cayosa, ang representative o kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Judicial and Bar Council (JBC), kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta ang kanyang masasabi na base sa record ay wala raw naita-lagang mahistrado sa Korte Suprema na kung tawagin ay “bar flunker” o abogadong kumuha pero bumagsak sa bar examination.

Dalawang beses pala bumagsak sa bar exams si Atty. Acosta pero nakapasa naman siya sa ikatlo at huling pagkakataon.

Pero walang binanggit o sinabi si Cayosa na ang nakalasap na bumagsak sa bar exam ay basehan para hindi maitalaga na mahistrado sa Korte Suprema ang sinomang abogado.

Kung importanteng barometro kasi o requirement na ang mga pasado lamang sa unang pagkuha ng bar exams ang kuwalipikado na maitalagang mahistrado ng Korte Suprema, sa umpisa pa lang dapat ay hindi na sila ibilang na kandidato.

Kahit hindi abogado ang inyong lingkod, naniniwala tayo na ang husay ng isang abogado ay hindi napapatunayan sa bar exams lamang.

Saan mang larangan, lumalabas lang ang tunay na mahuhusay at magagaling sa panahong ginagamit na ang kanilang propesyon bilang practitioner.

Gaano man kahusay ang isang propesyonal na nag-aral at pumasa sa anomang pagsusulit ay hindi rin ito garantiya na magiging magaling siyang practioner.

Aanhin natin ang mga nagpakadalubhasa pero ang natutunan naman ay ginamit laban sa sarili niyang bansa at mamamayan?

Ang kailangan natin ay mga tulad ni Atty. Acosta ginagamit ang kanyang pinag-aralan para sa kapakanan at ikabubuti ng bansa at mamama-yan bilang isang matapat na public servant o serbisyo publiko.

ROBIN PADILLA PUWEDE
NANG BUMOTO AT IBOTO

SA wakas, naibalik na rin sa actor na si Ro-bin Padilla ang kanyang civil and political rights.

Ito ay matapos lagdaan ni Pang. Rody Duterte ang absolute pardon ni Robin sa rekomendasyon ng Board of Parole, isang tanggapan sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).

Si Robin ay nahatulan sa kasong illegal possession of firearms noong 1994.

Lumaya si Robin noong 1997 pero ito ay sa bisa lamang ng conditional pardon na iginawad sa kanya ni dating Pang. Fidel Ramos.

Ilan sa political rights na kasamang naibalik kay Robin at maaari niya muling tamasahin ay karapatan na muling makaboto at maaari na rin siyang humawak ng anomang angkop na puwesto – elected man o appointed – sa pamahalaan.

Ang katumbas na kahulugan ng absolute pardon upang maibalik ang civil at political rights ay nasasaad sa Article 36 ng Revised Penal Code:

“A pardon shall not work the restoration of the right to hold public office, or the right of suffrage, unless such rights be expressly restored by the terms of the pardon.”

Makatarungan ang iginawad na absolute pardon ni PDU30 dahil si Robin naman ay totohanang nagpakatino at naging isang mabuting mamamayan  pagkatapos  pagdusahan  nang ilang taon sa bilangguan ang nagawang kasala-nan sa batas.

Ang anomang pardon ay maaaring bawiin kapag muling lumabag sa batas at hindi nagbago ang napagkalooban nito.

Likas naman siguro sa pagkatao ni Robin ang pagiging mabuting nilalang, kaya lang, may mga pagkakataon talaga na dumaraan sa buhay natin na nakagagawa tayo ng pagkakamali dahil pare-pareho tayong hindi perpekto.

Naging bahagi ng pagbabagong-buhay ni Robin ang iba’t ibang paraan ng pagtulong sa kapwa kaya siguro naging mabilis din ang ang kanyang pagbangon sa larangan na kanyang kinabibilangan – ang showbiz.

Ginawa niyang makulay ang kanyang buhay hindi lamang sa showbiz, kung ‘di pati na rin sa totoong buhay.

Kaya naman puwedeng-puwede siyang maging ehemplo na dapat tularan para sa ibang nailigaw ng landas at nag-aakala na wala nang pagkakataon.

Pero mayroong mga utak-dapya ang ‘di na-tutuwa at binabatikos ang paggawad ni PDU30 ng absolute pardon kay Robin.

Sabi ng mga timawang makitid ang kukote,  may politika raw sa paggawad ng absolute pardon ng pangulo kay Robin.

Ang pagkakaloob ng pardon ay tinatawag na Executive Clemency, isang kapangyarihan ng sinomang pangulo ng bansa at nasasaad sa Article VII Section 19 ng Saligang Batas:

“Except in cases of impeachment, or as otherwise provided in this Constitution, the President may grant reprieves, commutations, and pardons, and remit fines and forfeitures, after conviction by final judgment.”

Ang importante, kuwalipikado si Robin na mapagkalooban ng pardon, habang si PDU30 ay may kapangyarihan naman na gamitin ang exe-cutive clemency bilang kapangyarihan na tinatamasa ng isang pangulo sa ilalim ng Saligang Batas.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *