BUKOD sa pagdedemanda, nakahanda rin si Richard Gomez na humarap sa senado kung papayagan siyang humarap sa imbestigasyong isinasagawa, at sinabi niyang ibubulgar niyang lahat ang mga tiwaling pulis na sangkot din sa droga, at nakahanda siyang ilabas ang mga naipon niyang ebidensiya na magpapatunay sa kanyang claims.
Bago pa man siya isinabit sa controversy ng isang pulis, may statement na si Goma na may mga kagawad ng pulisya na gumagawa ng mga false claim at siyang totoong protector ng droga. Iyon pala kaya niya nasabi iyon ay dahil may naipon na siyang ebidensiya laban sa mga iyon.
Malaking labanan iyan, pero paniwala namin alam ni Goma kung ano ang kanyang sinasabi.
HATAWAN – Ed de Leon