Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bailey May, mas tinitilian kaysa kay Ylona

KUNG sabihin nila noong araw, ang isang actor ay “is only as popular as his least popular leading lady”. Kasi noong araw, sinasabing mas sikat ang artistang babae kaysa artistang lalaki. Sabi nila, mas sikat si Vilma Santos kaysa kay Edgar Mortiz. Mas sikat si Sharon Cuneta  kaysa kay Gabby Concepcion. Pero ngayon mukhang naiiba na nga yata ang mentalidad ng mga fan, dahil kapansin-pansin na mas sumisikat ang mga artistang lalaki.

Ngayon naroroon ang paniniwala na si Daniel Padilla ang nagdadala kay Kathryn Bernardo. Si James Reid ang mas sikat kaysa kay Nadine Lustre. Si Alden Richards din daw ang dahilan ng pagsikat ni Maine Mendoza.

Napansin din namin iyan sa launching ng Bench sa kanilang teenwear noong isang araw sa isang mall sa Makati. Mukhang sa fans na naroroon, mas malakas ang tilian nila kay Bailey May kaysa kay Ylona Garcia. Maliban doon sa mga fan ng Bailona, mas may reaksiyon ang ibang mga tao sa mall sa paglabas ni Bailey.

Kung sa bagay, talaga namang malakas ang dating niyang si Bailey May. Hindi ba noong nagsisimula pa iyan doon sa isang reality show, napansin siya agad kahit na nga sabihing medyo off beat ang dating dahil inili-link siya noon sa isang kasama nilang lalaki rin. Noong mapatalsik iyon at saka nagsimula ang love team nila ni Ylona. Tapos naisama rin sila roon sa serye nina James at Nadine na mas nagkaroon ng exposure ang kanilang love team.

Pero sa totoo lang, pinagmamasdan namin iyong mga tao hanggang doon sa itaas ng activity center, mas nagkaroon sila ng reaksiyon kay Bailey.

Kaya nga masasabing suwerte rin naman iyang Bench, dahil masasabi ngang nasa kanila na ngayon ang lahat ng mga sikat na matinee idols. Pati si Bailey na halos nagsisimula pa lang nakuha na nila eh.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …