NOONG presscon ng Unmarried Wife, nag-beg off si Paulo Avelino na pag-usapan ang tungkol sa kanyang non-showbiz girlfriend na ang ibinigay lang niyang pangalan ay “Tasha”. Pero may lumabas na mga internet post na na-identify iyon bilang si Natasha Villaroman.
Iyang si Natasha ay apo ng nagtatag ng Philippine Benevolent Missionary Association na si Ruben Ecleo Sr., ibig sabihin pamangkin siya ng dating kontrobersiyal na congressman, Ruben Ecleo Jr., na siyang pinuno rin ngayon ng PBMA. Iyang iglesiang iyan ay nagsasabing may isang milyong miyembro rin sila, at ang punong simbahan ay parang isang malaking palasyo sa Dinagat Island.
Ang nanay niyang si Natasha ay si Jade Ecleo, na naging unang governor din ng Dinagat Islands at isang part time actress-singer din. Ibig sabihin, bigatin ang pamilya.
HATAWAN – Ed de Leon