Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid

James Reid, lumolobo na raw ang ulo

SA isang umpukan sa isang showbiz event, pinag-uusapan ang tila paglobo ng ulo ni James Reid.

Halatang apektado ng kanyang pagsikat si James na hindi niya binigyan pansin ang mga payo ng kanyang mga tagahanga.

Hindi niya kuno kailangan ito.

Maliwanag na apektado ng ang actor ng pagkalunod sa isang basong tubig.

Well, ganyan naman sa mundo ng pelikula, nagbabago ang ugali dahil sa kasikatan. Dapat tandaan, kung hindi nagloko noon si JM de Guzman, walang James Reid ngayon. Kung ating matatandaan, ipinalit si James noong nagiging problema si JM sa ABS-CBN.

Sa totoo lang, maraming artista na mas may potential ang hindi lang nabibigyan ng break sa network. Naka-pokus lang kasi ang atensiyon nila kay James.

Sayang ang suwerte ni James kung mapababayaan lang niya.

Amanda, sa HK nag-birthday

SA HongKong nagdiwang ng birthday ang aktres na si Amanda Amorestogether with her husband captain Richard Yu and daughter China andKia,

Every year namang umaalis ang mag-anak basta birthday ni Amanda. Sa rami kasi ng ginagawa niya para sa kanyang mga kabarangay sa Sto. Domingo, Quezon City type naman niyang mag –relaks.

Marami ang nagsasabi na puwede siyang tumakbong kapitana sa kanilang lugar. Marami na kasi siyang natutulungan.

Pag-iingay ni Kris, nagbunga na

TAMA ang hula ni Aling Bebeng, isang manghuhula sa paligid ng simbahan ng Quiapo. Aniya, magbubunga din daw ang pag-iingay ni Kris Aquino para makabalik ng showbiz.

Gumapang ang balitang lilipat na ito sa Kapuso pero koryente ang balita. Wala naman daw palang offer.

Well tumama naman ang hula ni Aling Bebeng na sa TV5 siya mapapanood sa November 11, 4:30 p.m.. .

Tiyak naming magbubunyi ang mga tagahangang gustong makita uli si Kris. Ayaw daw nila ‘yung sa commercial na puro sabong panglaba ang topic.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …