MANANATILING “unconfirmed reports” ang mga kuwento tungkol sa sinasabing sucide attempt ni Mark Anthony Fernandez sa loob ng district jail ng Angeles City. Sa mga naunang reports, sinasabing nasugatan lang siya dahil sa paglalaro ng basketball, hanggang sa lumabas nga ang balita na iniimbestigahan ang sinasabing sucide attempt niya gamit ang isang gunting na nakuha niya sa isang barbero na gumupit sa kanyang buhok.
Huwag muna nating pakialaman ang mga ganyang kuwento hanggang walang kompirmasyon. May isinasagawa naman daw imbestigasyon ang piskalya kaugnay ng mga bagay na iyan, at siguro nga ilalabas naman nila ang findings nila.
HATAWAN – Ed de Leon