Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tigilan na ang pang-aapi kay Kim

KAHIT kami ay nabigla rin sa media announcement ng Dreamscape Entertainment Television para sa isang napakagandang teleserye na pagsasamahang muli nina Gerald Anderson at Kim Chiu.

After five years muli ngang magsasama ang dalawa sa Ikaw Lang Ang Iibigin.

Most of us sa entertainment media ay may kanya-kanyang pananaw at pakiramdam sa muling pagtatambal ng dalawa. But during the said presscon, in fairness kay Kim, ibang klaseng atake ang kanyang ginawa sa pagsagot sa mga sensitibong tanong sa kanya. Kitang-kita naman ang maturity kay Kim na hindi pa rin matanggal ang pagiging makulit at bungisngis.

At this point in time siguro ay hindi na kailangang sabihin pa ni Kim na marami pa siyang kakaining bigas sa pagigging aktres kundi napapanahon na rin para sabihin niyang ine-enjoy na ang kanyang karera bilang isang magaling na aktres.

Saludo naman talaga ako sa pagiging aktres ni Kim. Proven narin ang dedikasyon nito sa trabaho. Hindi rin kasi biro ang pinagdaanan ni Kim sa kanyang career simula nang manalo sa PBB years ago.

Sa muling pagtatambal nila ni Gerald sa teleseryeng ILAI, patunay  na napakatotoong tao ni Kim at nasa kanya talaga ang salitang professionalism. Bilib na bilib kami sa tapang ni Kim upang harapin ang lahat ng posibleng isyung lalabas after tanggapin itong proyekto.

Aminin nating mala-KathNiel din noon ang tambalang KimErald sa totoo lang. Kaya naman sa puntong ito ay napakaraming KimXi naman ang nag-react sa muling pagtatambal ng KimErald. Alam naman natin sa industriyang ito, lahat posible kaya laging handa lang tayo sa mga biglaang pangyayari at ang mahalaga ay tanggapin natin. Huwag niyo naman apihin at pagsalitaan ng kung ano-ano ngayon si Kim dahil trabaho lang po itong ginagawa niya.

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …