Monday , December 23 2024

Selyado na ang issue sa paglilibing kay FM

00 Kalampag percyNABIGONG makakuha ng pabor na desisyon sa Korte Suprema ang petisyon na inihain ng mga tumututol na maili-bing si dating Pang. Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNB).

Siyam na mahistrado ng Supreme Court (SC) ang bumoto pabor sa pagpapalibing kay FM, lima ang tutol, at isa sa kanila ang nag-abstain o hindi lumahok.

Hindi lumahok si Associate Justice Bienvenido Reyes sa dahilang naging magkaklase sila ni Pang. Rody Duterte sa San Beda College of Law at matatandaang siya rin ang nagpasumpa sa kanyang kaklase sa Malacañang.

Ang 9 na kumatig sa desisyon ni PDU30 na maipalibing si FM sa LNMB ay pawang appointee ni dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, habang ang 5 na tumutol ay mga kabig ni dating Pang. Noynoy Aquino.

Awang-awa naman tayo sa 5 mahistrado na kumontra na imbes sa batas ay sa kanilang personal na emosyon nagbase ng kanilang pasiya.

Nakababahala kapag may mga mahistrado tayo sa SC na kesehodang ikompromiso at ba-luktutin ang rule of law kapalit ng pagtanaw ng utang na loob sa nagtalaga sa kanila sa puwesto.

Pero hindi na ako nagtaka sa resulta dahil una pa lang ay nasabi na natin sa ating programa sa radio at sa pitak na ito na prerogative o sariling kapasiyahan ng nakaupong pangulo na pumayag o tumutol sa sinomang ipalilibing sa LNMB batay sa batas.

Ang ipagtaka natin ay kung baligtad at na-ging kontra sa pagpapalibing kay FM sa LNB ang naging desisyon ng SC.

Naaayon sa rule of law ang pasiya ni PDU30 sa kaso ng pagpapalibing kay FM o sa kaninomang kuwalipikadong mailibing sa LNMB kaya walang dapat tanawing utang na loob ang sinoman sa desisyon ng SC.

Kung tutuusin, hindi na nga dapat pinag-aksayahan ng SC na tanggapin ang inihaing pe-tisyon ng mga tumututol dahil prerogative o sa-riling kapasiyahan ito na iginawad ng batas sa sinomang nakaupong pangulo.

Hindi natin akalaing ibababa ni PNoy ang uri ng kanyang sariling pagkatao bilang naging pa-ngulo ng bansa sa ginawang pagdalo sa rally ng mga may lagnat sa utak sa Luneta, kamaka-ilan.

Tapos nang gamitin ni PNoy ang kanyang prerogative na hindi payagang maipalibing si FM sa LNMB habang siya ang nakaupo noong pa-ngulo.

Hindi ba’t ang kaparehong prerogative na ‘yun din ang ginamit ngayon ni PDU30 para pa-yagang mailibing si FM sa LNMB?

Namihasa ang angkan ni PNoy na kahit hindi na sila ang nakaupo ay napapasunod nila ang ibang naging pangulo sa kanilang mga kapritso.

Nagawa nilang takutin noon sina FVR, Erap at GMA na mapasunod at makipagkamutan ng likod sa kanilang mga gustong mangyari, isa lang diyan ang pagpapalibing kay FM sa LNMB na pare-pareho nilang hindi pinayagan.

Ang totoo, may mga nagsasabing patibong lang ang issue ng pagpapalibing kay FM pero may ibang lihim ang nasa likod nito na nakatakdang isulong.

Ito ay posibleng bahagi ng mas malaking pla-no ng destabilization upang pabagsakin si PDU30 sa puwesto.

Isa na riyan ang paghahain ng kaso ni suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima ng mga inimbentong klase ng kaso laban kay PDU30.

Ang mga katulad na walang ipinaglalabang protesta at imbentong kaso ang kanilang gagamiting kumot sa maitim na balakin upang hindi mahalata na ang boto at mandatong ipinagkatiwala ng mamamayan kay PDU30 ay lapasta-nganin.

Kaya hindi muna dapat magdiwang ang mamamayang nagtiwala kay PDU30  dahil si-guradong sugatan sa naging pasiya ng SC ang mga leon.

Kabilang sa tiyak na kasasabwatin ng mga magpapakana ang mga dumidikit kay PDU30 na nagtatalunan mula sa kampo ng mga natalong presidential candidate. Sila ang mga nagpapanggap na sumusuporta pero sa katotohanan ay nasa likod at may kinalaman sa illegal na droga.

‘Yan ang duda sa mga nagpakana upang mapatahimik si dating Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa na pinatay sa loob mismo ng kanyang selda.

Ano ang mga susunod na hakbang ng mga ganid sa kapangyarihan pagkatapos maselyohan ang issue sa pagpapalibing kay FM sa LNMB?

‘Yan ang ating dapat abangan at bantayan!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *