SA totoo lang, blessings in disguise ang pagkakastigo ng Eat Bulaga kay Paolo Ballesteros na inabot ng anim na buwan. Kung hindi siya nasuspinde, hindi siya makagagawa ng movie na Die Beautiful na nagbigay karangalan sa kanya bilang Best Actor sa Tokyo Film Festial.
Maging si Paolo ay hindi makapaniwala. Malaki ang naitulong sa kanya ng pagiging eksperto sa transformation, ang pangagaya sa iba’t ibang personalidad..
Tiyak magbubunyi ang buong bayan ng Talavera, Nueva Ecija dahil kababayan nila ang napiling best actor.
Nakaiintriga nga na naunahan pa niyang manalo ng award ang pinsang si Eula Valdez na taga-Guimba, Nueva Ecija, considering na isang magaling na aktres din si Eula.
Proud na proud ang Dabarkads sa pagkapanalo ni Paolo.
SHOWBIG – Vir Gonzales