MALAKAS ang sideline ng isang matinee idol. Madalas siya sa Hongkong ngayon, kasi roon siya nakikipagkita sa kanyang mga ”friend na gusto siyang maka-date”. Bukod sa lagi siyang may free trip at shopping sa Hongkong” courtesy of his clients”.
Malaki pa talaga ang datung niya for two or three days lang naman. Mas malaki pa raw ang per day niya sa mga “friend” niya kaysa one taping day niya.
Kaya lang, kahit na sabihing mas malaki ang kita niya sa mga “friend” niya, sana naman hindi niya pabayaan ang kanyang mga taping dahil siya rin. Baka bigla na lang siyang magising na wala na siya. Tapos na ang career niya.
( Ed de Leon )