Monday , December 23 2024

Pagpatay kay Espinosa sabotahe sa kampanya ni PDU30 kontra droga?

00 Kalampag percyTUMPAK ang sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na malaking kawalan ang pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa para mahubaran ng maskara ang malalaking isda sa likod ng ilegal na droga sa bansa.

Kaduda-duda ang kuwentong nanlaban at nakipagbarilan si Espinosa sa mga awtoridad na aaresto sa kanya sa loob mismo ng kanyang selda sa sub provincial.

Maging si noo’y Philippine National Police (PNP) chief Sen. Panfilo Lacson ay paniwalang sadya ang pagpatay kay Espinosa at maliwanag aniyang kaso ng extrajudicial killing.

Sinabi ni Lacson na palpak ang pagkakagawa ng script posibleng si Espinosa ay pinatahimik at ang motibo sa pagpaslang ay upang mapagtakpan ang mas malalaking personalidad na sangkot sa sindikato ng ilegal na droga.

Ang hamon ni Lacson sa ipatatawag na imbestigasyon ay masagot kung bakit imbes na sheriff ay mga kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang ipinadala para magsilbi ng warrant kay Espinosa.

Duda si Lacson na kaya pati si Raul Yap na kasama ni Espinosa sa selda ay pinatay upang walang makatestigo.

Si Justice Sec. Vitaliano Aguirre, base sa pakiusap ni PNP-CIDG acting director Chief Superintendent Roel Obusan, ay nagpalabas ng legal na opinyon noong Setyembre na walang kapangyarihan makapagpalabas ng subpoena o subpoena duces tecum matapos mabuwag ang dating PC-INP na may sakop sa noo’y Criminal Investigation Service (CIS).

Niliwanag ni Aguirre, sa ilalim ng RA 6975, ang kapangyarihan ng CIDG ay limitado lamang sa monitoring, investigation at prosecution ng mga seryosong krimen.

Lumalabas na hindi na pagsugpo sa ilegal na droga, ang mga ganito at katulad na pangyayari na hindi na nakaayon sa mabuting hangarin ni Pang. Rody Duterte na mapuksa ang matinding problema ng droga sa bansa.

Puwede pang paniwalaan ang kuwento kung noong maaresto si Espinosa siya napatay, kaysa ngayong nakakulong na siya at hawak na ng mga awtoridad.

Imbes yata maibangon ang marungis na imahe ng PNP ay mukha yatang mas lalo pang gumagrabe.

Baka naman walang kamalay-malay si PDU30 na nasasabotahe na ng mga nakalubog na buwaya sa PNP na kasabwat din ng narco politicians ang inilunsad na kampanya kontra ilegal na droga.

Sa katotohanan, marami ang hindi na kailangan pang tanggalan ng maskara dahil matagal nang bistado ng publiko kung sino ang sangkot sa narco politics pero nakikiisa pa kunwari sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ang problema, paano kung ang pag-abuso naman sa hanay ng mga pulis at mga awtoridad ang lumala?

ILEGAL NA DROGA AT CORRUPTION

HANGGA’T hindi nasusugpo ang mas talamak na katiwalian sa bansa, hindi rin matatapos ang problema kahit ano’ng kampanya pa ang gawin sa ilegal na droga.

Hindi ba’t corruption ang puno’t dulo kung bakit nasasadlak ngayon si suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima sa patong-patong na kasong kakaharapin dahil sa pagtanggap ng pera o corruption?

Marami pa at hindi nangangaunti ang mga tiwali sa hanay ng pulisya kaya patuloy pa rin ang ilegal na droga sa kabila ng maigting na kampanya ng pamahalaan.

Walang ipinagkaiba sa jueteng, kung walang corrupt na tumatanggap sa pulisya at sa pamahalaan ay kusang matitigil ang anomang masamang gawain, kasama na ang ilegal na droga.

Kung malulupig kahit man lang mula 70 hanggang 80 porsiyento ng mga kawatan hindi lamang sa PNP kung ‘di sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan na tumatanggap ng kuwarta ay siguradong babagsak din ang industriya ng ilegal na droga sa bansa.

Sino pa ang bibili para gumamit ng ilegal na droga kung wala namang mabibili?

Mahihirapan ang pamahalaan na lutasin ang problema sa ilegal na droga kung hindi susugpuin ang corruption.

Sino ang manunuhol kung walang tatanggap at magpapasuhol?

Kumbaga, walang mabibiktima kung walang illegal recruiter na naghahatag ng suhol sa gobyerno at pulisya.

Ibig sabihin, corruption talaga ang ugat ng maraming problema sa bansa, kasama na ang ilegal na droga.

At ang ilegal na droga at corruption ay intertwined o bagay na hindi mapaghihiwalay.

Kaya kung nais talaga natin masugpo ang droga ay kailangang isabay ang pagsugpo sa corruption sa ating pamahalaan.

“LAPID FIRE” PROGRAM
SA BAGONG TIME SLOT
MULA NGAYONG HAPON

SIMULA na po ngayong araw ang bagong programming para sa mas pinalakas at pinagandang hanay ng mga programa na ipinagmamalaki ng 8Tri-Media Broadcasting Network mula umaga hanggang hatinggabi.

Ang malaganap na programang Lapid Fire ay araw-araw na pong mapapanood sa 8Tri-TV via Cablelink TV Channel 7 at sabayang mapapakinggan sa makasasayang himpilan ng DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz.) sa bago nitong oras tuwing hapon, 1:00 pm – 2:00 pm, Lunes hanggang Biyernes.

Sa Parañaque at Las Piñas Cable subscribers, ang Lapid Fire at ang magagandang programa ng 8Tri-TV ay mapapanood sa Channel 18.

Para naman sa live video streaming (You Tube at Facebook), bisitahin po ang website ng 8trimediabroadcasting.

Maraming, maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay, pagtitiwala at pagtangkilik.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *