Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Love scene ng JaDine, kasalanan ng MTRCB

IPINATAWAG na ng MTRCB ang mga producer, director at iba pang  may kinalaman doon sa serye nina James Reid at Nadine Lustre, matapos na may matanggap na mga reklamo mula sa mga concerned citizens dahil sa ginawa nilang “love scene sa likod ng kotse” na inaakala ng iba na hindi dapat kahit na sabihin mong iyon ay may rating na SPG, at inilalabas ng medyo gabi na.

Pero may tanong kami eh, hindi mo masasabing ang mga ganyang eksena na sa tingin ng iba ay “nakapanaghili” ay kasalanan ng mga artista. Sumusunod lang naman ang mga artista sa sinasabi sa kanila ng kanilang director, na sumusunod lamang naman sa itinatakbo ng script. Iyong scriptwriter naman, sumusunod lang sa takbo ng kuwento.

Sino ang may kasalanan kung ganoon?

Sa simula pa lang ng broadcast ng lahat ng mga estasyon ng telebisyon araw-araw, sinasabi nila na ang lahat ng kanilang ipinalalabas ay inaprobahan ng Movie and Television Review and Classifications Board o MTRCB. Nang ilabas ang show na iyon, may nakalagay na rating na SPG. Sino ang nagbigay ng ratings na SPG? Paanong nagkaroon ng rating na SPG kung hindi iyon ni-review ng mga kinatawan ng MTRCB? Bakit noong i-review nila iyan hindi nila nakitang may ganoon, at naghintay pa silang mailabas iyon at may mag-react?

Iyan ay isang taped program na ayon sa ruling, kailangang ma-review muna ng MTRCB bago ilabas. Ibig sabihin pinapayagan na nilang lumabas ang mga iyan kung minsan ng hindi nila nire-review. Kasi bakit kung kailan nailabas na at saka nila tatawagin ang mga director at producers para magpaliwanag. In the first place, dapat nakita na nila. Binigyan nga nila ng rating na SPG eh.

Ano ang isang possibility? Kagaya ba ng mga “pene movies” noong araw na hindi muna ipinakikita sa MTRCB ang ilang eksena tapos ay isinisingit sa mga sinehan kung inilalabas na? Magagawa ba naman ang ganoon sa telebisyon? Kaya siguro ang unang dapat magpaliwanag diyan ay iyong mga miyembro ng MTRCB na dapat nagre-review niyan. Kapag naipalabas na at nabigyan na nila ng ratings, wala na ring responsibilidad sa publiko ang gumawa niyan. Ang responsibilidad kung bakit may lumabas na ganyan ay nasa MTRCB. Magpaliwanag kayo ngayon.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …