Monday , December 23 2024

“Bonget” inilaglag ng idolong si Erap?

00 Kalampag percyIBINASURA na raw ng Manila Prosecutor’s Office ang violation of the anti-cybercrime law na inihain ng abogado ng natalong vice presidential candidate at dating senador Ferdinand “Bonget” Marcos Jr., laban sa pitong empleyado ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic.

Ang hindi lang tinukoy sa napalathalang balita ay kung sino ang prosecutor sa Maynila na humawak at nagbasura ng kaso na inihain ni Abakada partylist Rep. Jonathan dela Cruz, ang abogado ni Bonget.

Paano at bakit nabasura ang kaso sa Maynila kung suportado ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang pagtakbo ni Bonget noong nakaraang halalan?

Sakaling hindi alam ng kampo ni Bonget at ng kanyang abogado, ang iniidolo nilang si Erap at ang mga bumubuo ng Board of City Canvassers sa nakaraang eleksiyon na pinamunuan ni Manila chief prosecutor Edward Togonon ay mga respondent sa protesta na inihain naman ng kampo ni Manila Mayor Alfredo Lim at hanggang ngayon ay nakabinbin pa sa Comelec.

Posible kaya na kasamang naikompormiso ang pagbasura sa kasong inihain ni Bonget kapalit naman ng pabor na desisyon kay Erap kaugnay ng protesta ni Mayor Lim sa Comelec?

Kawawang Bonget!

PAMILYA NG SEAMAN TINIPID SA SUSTENTO?

ISANG sumbong ang ipinarating sa pitak na ito sa  umano’y pagkonsinti ng Career Philippines Shipmanagement, Inc. sa kabulastugan ng isa sa mga tauhan nilang seaman na biglang binawasan ang buwanang sustento ng kanyang anak at pahirapan pa sa pagkuha ng nasabing obligasyon.

Inireklamo ng isang Charlot Navarro, 37, ng Digos City, Davao del Sur, ang biglang pagbawas ng isang Aman Galceran, 35, ng Cagayan de Oro City sa buwanang sustento ng kanilang anak mula sa dating P15,000 ay ginawa na lamang P10,000.

Apat na taong gulang pa lamang ang kanilang anak, na ayon kay Charlot, ay napilitan tumigil sa kanyang pag-aaral sa Kinder dahil sa biglaang pagbabawas sa allowance nito.

Kapos na kapos ang nasabing sustento dahil sa gastusin ng bata na nag-aaral sa isang private school, bukod pa sa pagkain nito at sa inuupahang bahay nilang mag-ina, bayad sa koryente at tubig, mga school contributions, medisina at bitamina.

Ang idinahilan ni Jordan, nagagalit daw ang kanyang misis na buntis ‘pag gano’ng halaga pa ang ibibigay kung kaya binawasan niya ito.

Hinamon ni Galceran si Navarro na magsumbong sa kanilang tanggapan ng Career Philippines Shipmanagement, Inc. na nasa 1526 P. Santos St., Bangkal, Makati City.

Ayon kay Charlot, noong una ay regular na nagbibigay ng P15,000 kada buwan si Galceran kapag nakasakay sa barko pero kapag nakauwi na sa Filipinas ay pahirapan na sa pagkuha ng suporta para sa kanilang anak.

Umabot ng tatlong buwan bago nakapagpadala ng suporta si Galceran matapos pakasalan ang isang taga-Cagayan de Oro City.

Idinagdag ni Navarro, magmula umano nang mag-asawa ng iba si Galceran ay naging P10,000 na lamang ang dating P15,000 na sustento sa kanilag anak kahit ang suweldo niya ay P115,000 at kinakailangan pang magpaalam sa kanyang “kumander” kung magbibigay sa kanyang anak.

Hugas-kamay naman si Capt. Jimmy Bringuelo ng Career Philippines Shipmanagement, Inc., nang dumulog sa kanilang tanggapan si Navarro noong nakaraang Oktubre 21.

Kesyo personal daw na usapin ito.

‘Di na inalintana ang hirap na pinagdaanan ni Navarro na nagbiyahe pa mula Davao patungo sa Kamaynilaan at gumastos nang malaki.

Alam kaya ng kompanya ang Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) at ang Family Code na nagsasaad ng child support?

May obligasyong moral din na pagsabihan ng kompanya si Galceran na magpakalalaki at panindigan ang kanyang pagiging ama sa pamamagitan ng regular na pagbibigay ng suporta sa anak.

Nararapat na awtomatikong ikaltas ang ‘di bababa sa P15,000 na suporta sa bata mula sa sahod ni Galceran at direktang ibigay sa ina ng bata na walang iba kundi si Charlot Navarro.

(Bukas po ang pitak na ito para sa anomang paliwanag at sagot ng nabanggit na kompanya.)

‘LAPID FIRE’

LILIPAT na sa bagong oras ang pagsasahimpapawid ng “Lapid Fire” simula sa susunod na Martes, November 8.

Mula sa dati nitong oras, ang programang Lapid Fire ng inyong lingkod ay malilipat na sa hapon, 1:00 pm – 2:00 pm, Lunes hanggang Biyernes.

Ang Lapid Fire, isa sa mga nangungunang programa ng 8TriMedia Broadcasting Network, ay napapanood araw-araw sa 8Tri-TV via Cablelink TV Channel 7 at sabayang napapakinggan sa makasasayang himpilan ng DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz).

LIVE JAMMING

TULOY din ang dalawang oras na masayang tugtugan at awitan sa ating Live Jamming tuwing Sabado ng gabi na masusubaybayan, 11:00 pm to 1:00 am, sa 8Tri-TV via Cablelink TV Channel 7.

Kasama ang mahuhusay na singer at beteranong musician na maghahatid ng kasiyahan sa mga manonood sa pamamagitan ng mga awitin na magbabalik sa ating masasayang nakaraan.

Saan man dako sa mundo, ang ating mga programa ay maaring subaybayan sa pamamagitan ng live video streaming tulad ng You Tube at Facebook. Bisitahin lamang ang website ng 8trimediabroadcasting.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *