Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby, ‘di kinikilalang ama ni Cloie Syquia Skarne?

HINDI nanalo, number 8 lang ang anak ni Gabby Concepcion kay Jenny Syquia sa katatapos na Miss Earth pageant, na ginawa sa MOA Arena kamakailan. Mabilis na nagpahayag ng suporta at katuwaan sa naging accomplishment ng kanyang kapatid ang aktres na si KC Concepcion, pero tahimik lamang at walang statement si Gabby mismo.

Iyang si Cloie, naging anak nga ni Gabby kay Syquia matapos na sila ay magpakasal sa Pilipinas, pero hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama. Nagkaroon ng mga question sa nasabing kasal dahil noon ay hindi pa naman annulled ang kasal nina Sharon Cuneta at Gabby. Noong makuha naman ni Sharon ang annulment na hiningi niya, malabo pa rin ang kasal nina Gabby at Jenny dahil sa nauna niyang kasal sa isang Amerikana na siyang naging basis sa pagpapawalang bisa ng kasal nila ni Sharon.

Marriage for convenience lang daw iyon. Kasi, nagpakasal naman si Gabby sa Kana na iyon noong nasa US siya with the hope na makakukuha siya ng American citizenship ng mas madali. Noong magbago ang isip niya at nagbalik sa Pilipinas at kinalimutan na ang pagiging US citizen, hindi niya nagawang idiborsiyo muna ang babaeng kanyang pinakasalan.

Ito namang si Syquia, matapos makipaghiwalay kay Gabby ay nag-abroad at may nakilalang taong nanligaw sa kanya, nagkasundo sila at nagpakasal. In-adopt na rin ng kanyang asawa si Cloie, kaya ngayon ang legal niyang pangalan ay Cloie Syquia Skarne, at isa na nga siyang Swiss national. Biological father niya si Gabby, pero legally wala na silang koneksiyon.

Sabi nga nila, ano raw kaya ang feeling ni Gabby na parang nawalan siya ng isang anak? May mga kritiko naman na nagsasabi na siguro ok lang sa kanya dahil lima na ang kanyang anak, ang naunang apat ay iba’t iba rin ang nanay. Bukod kay KC na anak niya kay Sharon, nariyan din ang singer na ngayong si Garie na anak naman niya kay Grace Ibuna, iyang si Cloie nga na anak niya kay Syquia, at iyong sina Savannah atSamantha na anak naman niya kay Genevieve Gonzales na pinakasalan niya noong 2004. Puro babae ang naging anak ni Gabby.

Pero ano nga kaya ang feeling na makita mo ang anak mo sa isang international beauty pageant pero hindi sinasabi na ikaw ang tatay niya?

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …