Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel karla estrada

Karla, sobra-sobra ang pasasalamat sa rami ng blessings

SINAMAHAN ko si Queen Mother Karla Estrada the whole day of Wednesday mula sa kanyang paghuhurado sa daily noontime show ng Kapamilya Network na It’s Showtime  hanggang sa Push Awards 2016.

Halatang busy naman talaga si Karla sa kanyang career ngayon at kitang-kita ko ang kanyang dedikasyon sa trabaho kahit noon pa man. Nakatutuwa lang isipin that she’s making waves ngayon sa kanyang showbiz career sa bakuran ng ABS-CBN.

Nang kumustahin ko si Karla, agad nitong sinabing masaya siya sa itinatakbo ng kanyang career lalo na sa kanyang anak na si Daniel Padilla.

“Sobrang blessed lang talaga tayo Dom. Napakaraming biyayang dumating at dumarating, tuloy-tuloy na happy lang tayo at positive sa lahat ng bagay sa buhay. Nakita mo naman ang nangyayari kay DJ, so, hindi na tayo dapat nagrereklamo kundi patuloy na pasasalamat sa Panginoon dahil alam naman nating lahat na sa kanya naman lahat nanggaling ang mga biyayang ito,” aniyang mahabang tsika pa sa akin inside her dressing room.

After It’s Showtime ay pahinga lang siya ng dalawang oras at takbo naman kami sa Dolphy Theatre ng ABS-CBN para sa isang award na halatang excited din ang Queen Mother.

Yes! Nanalo nga siya bilang Most Popular Celebrity Mom sa katatapos lang na Push Awards 2016!

“Thank you ABS-CBN! Thank you sa inyong lahat na bomoto sa akin. Sa lahat ng KathNiel sa buong mundo! Maraming, maraming salamat talaga,” bahagi lamang ng kanyang speech habang hawak-hawak ang  trophy.

Nabanggit lang ni Queen Mother na mahalaga pala talaga na nasa awards night ang isang nominado para kung siya man ang manalo ay napakagandang siya mismo ang umakyat sa entablado at tanggapin ang tropeo at ito raw ang kanyang naging pulot of the day.

Masayang ibinalita rin sa akin ni Queen Mother na masayang-masaya silang tatlo nina Melai  Cantiveros at Jolina Magdangal kasama na ang buong production staff and crew ng daily morning show nilang Magandang Buhay dahil patuloy ang nakukuha nilang mataas na ratings nationwide.

Ako na ang magbabalita sa inyo guys, basta, may magandang balita kina Queen Mother at Carmela Soon! Stay happy and blessed everyone!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …