Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JaDine at LizQuen, pinasalamatan ni Daniel sa Push Awards

HINDI namin maipinta ang tuwang naramdaman ng KathNiel nang manalo sila individually and as loveteam sa tatlong tatlong kategorya  sa katatapos na Push Awards 2016 na ginanap sa Dolphy Theatre.

Sabay dumating sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ABS-CBN. Agad ko namang napansin ang mga suot ng dalawa. In fairness, kahit anong ipasuot mo sa kanila ay keribels ito ng ating Teen King and Queen!

Anyways, pagpasok pa lang ng dalawa sa lobby ng ABS-CBN ay nagkagulo na ang mga utaw. As usual kaya naman sumimple nalang kami sa tabi habang pinapapasok muna ang dalawa sa kanilang standby room. Hanggang sa pumasok na nga sila sa Dolphy Theatre at nabulabog na  ang buong theatre dahil sa hiyawan ng kanilang fans.

Kahit saang anggulo, kapag magkasama talaga ang dalawa ay ramdam mo ang kilig. Lalo na noong magkatabi silang nakaupo sa may bandang harapan at halos sila na lang ang pinagtitinginan.

What made me touched that night ay ang napakagandang binitiwang salita ni Daniel para sa kanilang fans during his speech.

Pinasalamatan ni Daniel ang lahat ng KathNiel sa buong mundo na ikinagulat ng marami ang pagbanggit niya sa Liz-Quen  at  JaDine  fans na kung hindi dahil sa fans na ito ay hindi magtatagumpay ang tambalan nilang KathNiel.

Super touching na hindi ko sukat akalaing sasabihin ni DJ sa kanyang speech. Diyan kami saludo sa KathNiel…walang masamang tinapay kundi mabuti lang palagi.

We love you KathNiel, always and forever!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …