Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Enzo, inilahad ang mga artistang nag-escort

NATATAWA na lang kami habang nakikinig sa isang kuwentuhan noong press conference niyong The Escorts. Nagkukuwento kasi ang director na si Enzo Williams na may mga nakausap siyang mga tunay na escorts na naging basehan niya sa kanyang ginawang pelikula. Tapos nang matanong siya, inamin niyang may alam siyang mga escort na nakapasok sa showbusiness bilang mga artista. Nang tanungin naman siya kung sino, ayaw niyang sabihin at ibinalik niya ang tanong, ”dapat kayo ang mas may alam niyan.”

Gusto ko sanang sumagot, totoo po direk. Marami talaga sila at marami kaming alam na ganoon.

May isang sikat na female star sa ngayon na bida pa sa mga teleserye, na dating naging high class escort. Hindi siya iyong nagtrabaho sa bar o ano man. Talagang high class siyang escort. Estudyante pa siya noon. Hindi naman kasi mayaman ang pamilya, kaya siguro pinasok niya iyon bago siya naging isang model at later on ay nakuhang artista. Pero kahit na noong modelo siya, at ngayong artista na siya, ang dinig ko nakikipag-date pa rin siya sa mga rati niyang clients na up scale.

May isang sikat na male star ngayon, na napaka-wholesome ng image. Born again pa kuno. Pero nananatili siyang private escort ng kanyang mga “gay friend”, sa kanilang mga “private functions”. Kasi naman bihira talagang dumating sa kanya ang assignments kaya nangangailangan siguro.

Idagdag natin diyan ang isa pang female star na wholesome rin ang image na naging singer noon araw sa isang bar sa Malate, at tume-table siya sa mga customer noong araw. Doon namin unang nakita iyan kaya noong maging artista, titingin-tingin lang sa amin na parang hindi kami kilala.

Hindi na rin bago sa inyong pandinig ang isang male star na naging GRO naman sa isang kilalang gay bar bago siya naging isang artista.

Kung iisa-isahin mo iyan, aba eh napakarami talaga. Pero ano ang masama? Rati silang escorts, gusto nilang magbagong buhay, bigyan naman natin ng pagkakataon. Ok lang iyan. Ang masama iyong mga artista na pumapasada pa.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …