Monday , December 23 2024

Suportang peke kay PDU30 ni Erap

00 Kalampag percyIPINAGDULDULAN na naman ni ousted president at certified convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na ikompara ang madungis niyang pagkatao kay Pang. Rody Duterte kamakailan.

Gusto pa yatang palabasin ni Erap na napaniginipan lang natin nang tawagin niyang “walang finesse” o bastos at insultohin pa na “pang-Davao” lang si PDU30 noong panahon ng kampanya.

Kung makaiimbento lang siya ng “press release” para mapalitaw niyang siya ang nagpanalo kay PDU30 sa nakaraang presidential election at hindi sina Sen. Grace Poe, dating VP Jojo Binay at dating DILG Sec. Mar Roxas ang ikinampanyang kandidato ng kanyang buong angkan, ‘yan ay nasisiguro nating gagawin din ni Erap.

Pero ang inilalakong pagsuporta ni Erap kay PDU30 ay nasisiguro nating palsipikado at pagpapanggap lang para maging passes sa mga katarantaduhan na nais niyang pagtakpan.

Nais ipakita ni Erap sa mga gusto niyang gamitin na sanggang-dikit sila ni PDU30 para sa pagsusulong ng kanyang pansariling interest at maisalba ang kanyang political dynasty.

Pinararatangan ni Erap ang Estados Unidos na utak kaya siya napatalsik noon sa puwesto bilang pangulo.

May amnesiya na yata si Erap at nakalimutang isa si PDU30 sa mga congressman noon at miyembro ng House of Representatives na bumoto at lumagda para mapalayas siya sa Malacañang.

Hindi na kinilabutan si Erap na gamitin at isangkalan ang U.S. upang ilihis sa katotohanang kaya siya napatalsik sa puwesto noong EDSA II at nahatulan ng Sandiganbayan ay dahil sa pandarambong at pag-abuso nila ng kanyang angkan at ng mga crony sa kapangyarihan.

‘NARCO LIST’ NI ERAP
SABOTAHE KAY PDU30

HINDI ba sabotaheng matatawag ang sariling “narco list” na gawa-gawa lang ni Erap at ng kanyang mga kasabwat?

Kung totoo ang hawak na listahan ni Erap, bakit ngayon lang siya kumilos kung kailan nagtatagumpay na ang inilunsad na giyera ni PDU30?

Sana ay inilabas ni Erap ang listahang sinasabi niya kahit sina Poe, Binay at Roxas ang ikinakampanya nila ng kanyang angkan.

Hindi ba mababalewala at mabababoy ang kampanya at giyera laban sa ilegal na droga kung maglabas din ng listahan ang ibang local executives na tulad ng hawak ni Erap ay iba sa hawak ni PDU30?

PIMENTEL AT SOTTO
WALANG RESPETO
SA SANDIGANBAYAN

HINILING kamakailan ng Office of the Special Prosecutor (OSP) na ipatupad ang naunang inilabas na preventive suspension order (PSO) ng Sandiganbayan laban kay Sen. JV Ejercito at dalawa pang kasalukyang opisyal ng San Juan City Hall.

Si JV Ejercito at dalawa pang San Juan officials ay nahaharap sa mga kasong kriminal kaugnay ng pagwaldas sa calamity fund na ginamit sa pagbili ng mga baril noong 2008.

Noong August 22, ipinag-utos ng Sandiganbayan Fifth Division ang pagsuspinde kay JV Ejercito at dalawa pang kasalukuyang opisyal ng San Juan na kinilalang sina city administrator Ranulfo Barte Dacalos at Romualdo Corpuz de los Santos, city legal officer.

Sa inihaing mosyon, hiniling ng OSP ang pagpapalabas ng direktiba na nag-aatas sa tanggapan ni Senate President Aquilino Pimentel III at San Juan City Mayor Guia Gomez na ipaliwanag kung bakit hanggang ngayon ay hindi nila ipinatutupad ang naunang inilabas na PSO ng Sandiganbayan Fifth Division na may petsang August 22.

Naging pinal o final and executory ang suspension order matapos hindi makapaghain ng motion for reconsideration si JV Ejercito at kapwa mga akusadong sina Dacalos at Santos.

Nabigo rin silang makakuha ng writ of preliminary injunction mula sa Korte Suprema base sa inihain nilang petion for certiorari para maipatigil ang pagpapatupad ng naunang PSO na inilabas ng Sandiganbayan.

Matatandaan na mistulang basketball na ipinasa ni Pimintel ang natanggap na kopya ng PSO kay Sen. Vicente “Eat Bulaga” Sotto III, ang nagmamagaling na kapanalig ni JV Ejercito sa politika.

Para kay Sotto, pag-aaralan daw niya kung ipatutupad ang PSO dahil ang krimen ay naganap habang si JV ay alkalde pa ng San Juan.

Hindi namalayan ni Sotto na ang mismong sinabi niya rin ang basehan kaya dapat nilang kilalanin at ipatupad ang ipinalabas na PSO ng Sandiganbayan laban kay JV Ejercito.

Sa madaling sabi, walang dahilan para pagtalunan pa ng Senado kung ipatutupad ang PSO o hindi dahil ang anomalyang kinasangkutan ni JV Ejercito ay naganap habang siya ay alkalde pa ng San Juan.

Isa lang ang maliwanag, sadyang ayaw irespeto ng mga kapanalig ni JV Ejercito ang batas kaya ayaw nilang ipatupad ang PSO ng Sandiganbayan kay JV Ejercito.

Si Pimentel naman ay nilalansi ang publiko at nagtanong pa kung bakit daw ipapasa sa kanila ang responsibilidad ng pagsuspinde kay JV Ejercito.

Akala ko ba ay bar topnotcher si Pimentel nang magtapos ng kursong abogasya, pero bakit hindi niya naisip na ang pagkilala nila kay JV Ejercito na umaastang senador ay hayagang pagbalewala sa kapangyarihan ng batas at ng Sandigabayan.

Ngayon ay hindi na tayo nagtataka kung bakit sa politika bumagsak ang career ni Pimentel bilang abogado, imbes sa pagiging private law practitioner.

Wala kayang balak na ipa-contempt ng Ombudsman Special Prosecutors sa Sandiganbayan ang mga senador na ayaw rumespeto sa batas?

Sakali, magagawa naman kaya ng Sandiganbayan na patawan ng CONTEMPT ang mga senador na tumatangging ipatupad ang PSO laban kay JV Ejercito?

Wala rin bang balak na ipa-contempt sa Sandiganbayan ng Ombudsman Special Prosecutors ang mga senador?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAGPercy lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *