NAGULAT kami sa takbo ng mga pangyayari noong isang araw. Naging viral sa social media ang tsismis na iyon daw asawa ng singer na si Iwi Laurel, na si Noli Asensio ay kinidnap, dinroga, at natagpuang patay. Tapos sinasabi pang siya ay biktima ng “drug war ni Duterte.”
Siyempre ang nagsimulang magpakalat niyon ay iyong tinatawag na “yellowtards” ng marami sa internet.
Natural magagalit ang pamilya ni Noli. Hindi totoo ang tsismis na iyon. Si Noli ay sinasabing nakaramdam ng paninikip ng dibdib, isinugod sa ospital at doon sa emergency room binawian ng buhay dahil sa atake sa puso. Hindi siya sinalvage kagaya ng gustong palabasin ng iba.
Isa pa, nakaiinis na gawin ang ganyang tsismis sa mga taong inirerespeto. Si Noli ay anak nina Manuel Asensio at Fides Cuyugan Asensio na kinikilala sa sining ng musika sa Pilipinas. Si Iwi Laurel na asawa niya ay anak nina dating Vice President Salvador Laurel at ang stage actress na si Celia Diaz Laurel. Kapatid siya ni Cocoy Laurel. Mga kinikilalang tao ang pamilya niyang mga iyan. Tapos igagawa mo ng hindi magandang tsismis sa kamata-yan pa niyon?
Sabihin na nating ipinasa lang, pero hindi ba dapat ang gumagamit ng social media ay responsable rin na alamin kung totoo ba ang kanilang sinasabi o hindi? Hindi ba hindi naman dapat basta nagpapasa ng mga ganyang mga balita ng walang kompirmasyon? Iyan ang kaibahan ng lehitimong media sa mga blogger na hindi alam ang kanilang responsibilidad sa mga tao at sa lipunan.
May mga nagsasabi, bagamat ayaw naming magbintang, na ang talagang target ng mga kumalat na tsismis na iyan ay pasamain ang kasalukuyang gobyerno at ang drug war na isinasagawa ngayon. Ayaw naming isipin na ang mga nagkakalat niyan ay mga “alagad din ng droga”. Pero kung noong panahon ng martial law iyan, iyan ay isang krimen na tinatawag na “rumor mongering”. Hindi maganda iyan
HATAWAN – Ed de Leon