Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris desmayado, TV show ‘di pa nasisimulan

MUKHA talagang masama ang loob ni Kris Aquino dahil sa hindi pa nasisimulan hanggang ngayon ang kanyang TV show na inaasahan niya noon pa. May sinasabi pa siyang three dark weeks. Iyon siguro ang panahon na hindi niya talaga alam kung may future pa siya kahit na sinasabing mayroon siyang contract for P800-M. Ano nga ba naman ang saysay ng kontratang iyon kung wala ka namang masimulang projects.

To think na nilayasan nga niya ang ABS-CBN nang malaman niya sa kanyang pagbabalik na kailangan pa siyang maghintay para makakuha ng panibagong time slot para sa isang show. Nang malaman niyang hindi pala siya mabibigyan ng show agad, nagsimula na siya ng negotiations sa APT Entertainment, hoping of course na magmamadali ang GMA 7 to get her. Pero hindi yata nangyari iyon.

Ngayon, base sa kanyang mga statement, makikita nating desmayado na nga ang dating presidential sister. Mukhang nag-reflect din sa kanyang popularidad ang resulta ng nakaraang eleksiyon. Lumabas kasing hindi na ganoon kalakas ang kanyang batak.

Ngayon hindi lamang sa kanyang career nagmamarakulyo si Kris, galit na naman siya sa dating asawang si James Yap dahil hindi man lang daw niyon sinabihan ang kanilang anak na si Bimby na magkakaroon na siya ng kapatid sa bagong girlfriend ni James. Obviously, hindi pa rin nakaka-move on si Kris sa naging split nila ni James. Naroroon pa rin ang kanyang paghihinagpis. In the first place inamin na rin niyang kaya nga niya dinala sa abroad ang dalawa niyang anak para mailayo muna habang manganak ang girlfriend ni James, eh na-delay ang panganganak.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …