Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, thankful sa tuloy-tuloy na suwerte

MALAKING bagay talaga ang talento, hitsura, at dedikasyon para makamit ng isang tao ang  gustong mangyari sa kanyang buhay. Isang halimbawa ay ang anak-anakan naming si Michael Pangilinan.

Nagsimula sa paggi-guesting sa mga maliliit na shows sa mga comedy bar. Hanggang sa nakitaan siya ng dedikasyon ni Nanay Jobert Sucaldito at ipinag-prodyus ng ilang beses na solo concerts. Dahil matino, nabigyan ng magandang break noon sa Himig Handog kasabay ng pagre-release ng Star Music sa kanyang kauna-unahang album.

Naging popular ang kanyang Pare Mahal Mo Raw Ako na entry sa Himig Handog na umaabot na ngayon sa almost 9 million views. Mula noon, sunod-dunod na ang guesting ni Michael sa iba’t ibang shows hanggang sa maging 1st runner-up siya sa  Your Face Sounds Familiar.

Nagtuloy-tuloy ang suwerte sa kanyang buhay and just recently ay inilunsad na naman ang kanyang self-titled Michael album bilang 2nd album from Star Music.

“Thankful lang po talaga ako sa entertainment press at sa lahat ng nagtitiwala sa akin na simulang nag-umpisa ako bilang singer ay nandiyan talaga silang lahat para sumportahan ako lalo na ang manager ko, si Nanay Jobs na sobra. Sobrang salamat talaga,” aniyang tsika pa sa amin during his album launch/presscon na ginanap kamakailan sa Music Box-Timog.

Ratsada na nga sa kanyang karera si Michael worldwide dahil ilang imbitasyon na rin abroad ang kanyang dinaluhan. Kasabay pa nito ang pag-viral ng kanyang mga ginagawang cover songs kaya naman bilang isa sa naniniwala sa kanyang kakayahan ay natutuwa kami sa kanyang mga narating. Keep it up Nak!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …