Friday , November 15 2024

Simulan ang giyera kontra korupsiyon

00 Kalampag percyANG corruption o katiwalian ang isa sa mga ipinangakong susugpuin ni Pangulong Rody Duterte noong siya ay kumakampanya pa lamang at pagkatapos na siya ay mahalal na pangulo ng bansa.

Kamakailan nga lang, nagbabala na si PDU30 na ipapahiya ang mga tiwaling opisyal na mabubuking na hihingi ng ‘lagay’ o ‘padulas’ sa mga transaksiyon sa pamahalaan.

Walang pagdududa na ang talamak na katiwalian ng mga nasa pamahalaan ang talagang ugat o puno’t dulo kung bakit nasira ang rule of law kaya nagkaletse-letse ang bansa natin.

Kahit sa isinagawang pagdinig ng House of Representatives Committee on Justice ay napatunayan na ang sobrang katakawan sa salapi ang dahilan kaya nasadlak si Sen. Leila de Lima sa kaso ng illegal na droga.

Ibig sabihin, hindi lalaganap ang anomang masama at illegal na gawain kung walang opisyal at kawani ng pamahalaan ang papayag na masuhulan kapalit ng kanilang proteksiyon at pagkikipagsabwatan.

Anomang pagsisikap ang gawin para lansagin ang sindikato ng mga illegal sa bansa ay mababalewala kapag hindi nalupig o mabawasan man lang ang mga magnanakaw sa pamahalaan.

Simulan na ang giyera laban sa korupsiyon!

PAGLIPOL SA ASG

SEGUNDINO  A.  ALBARICO (Tagum, Davao del Norte) –  “Mula nang mag-conduct ng massive military operations ang militar mula noong Agosto 25, 2016 laban sa Abu Sayyaf mayroon nang resulta ang kanilang pakikibakbakan laban sa Abu Sayyaf Group.

Siyamnapu’t apat (94) ang mga bandidong ASG na nalagas sa kanilang panig;  56 ang namatay; 21 ang sumuko at 17 ang nahuli.

Sa ngayon 14 na kidnap victims ay pinakawalan o nakatakas kaya 12 na lang ang natitirang kidnap victims ng ASG. Magpahanggang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang opensiba ng militar laban sa ASG hanggang mapakawalan ang mga bihag at lahat ng miyembro nito ay mapawi na sa mundong ito.” <Oct.17/Email>

MAHAL NI PDU30 ANG BANSA

PAMELA  A.  LANDICHO (Sta. Cruz, Davao del Sur) – “Dear Sir: Ang pagpunta ni Pangulong Duterte sa China ay bilang pakikipag-usap sa mga lider ng China na maging maayos ang ating relasyon sa kanila.

Hindi lang maritime issue ang kanilang pag-uusapan kundi mapanatili ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon sa pamamagitan ng kapwa paggalang at pag-uunawaan ng magkabilang panig.

Umiiwas lang ang ating Pangulo na tayo ay madamay sa alitan ng US at China. Alam niyang mapapatalsik siya sa puwesto kapag ibinigay niya sa China ang ating mga hangganan.

Kaya ‘yong mga kritiko ni Pangulo nawa’y maging panatag na hindi siya magtratraidor sa kanyang mga mamamayan na bumoto sa kanya.

Batid ko na mahal niya ang kanyang bansang sinilangan.  Kaya hindi niya ipagkakanulo tayong mga Filipino.” <Oct. 17/Email>

HUWAG UMASA SA MGA KANO

JOSEPHINE A.  LIM (Kidapawan, North Cotabato) – “Akala ko ba hindi magpapaepekto ang US sa mga talumpati ni Pangulong Duterte. Hangga’t hindi sila nakatatanggap ng official letter from Malacañang na pinapaalis na sila ay hindi sila aalis at mag-aalsa balutan sa Filipinas.

Siguro nakatanggap na sila ng sulat kasi unti-unti na nilang inaalis ang kanilang mga kagamitan sa Mindanao at pinaikli ang Balikatan Exercise ngayon.

Marahil delikadesa na lang kaya ayun unti-unti na silang nag-alisan.

Siguro sabi nila, ‘ayaw ninyo di huwag niyo.’ Kaya lang ang iba nating mga kababayan ay tila problemado sa pag-alis ng mga kano sa ating bansa.

Dahil magugutom daw ang Filipino.

Tila iniaasa natin ang ating pagkain sa mga Kano?

Napapanahon na marahil na tumayo tayo sa sarili nating mga paa. Magsikap tayong umunlad na walang ayuda ng ibang bansa. Huwag tayong aasa sa kanilang mga aids. Nang sa ganoon ay hindi tayo basta-basta utuin at hindi irespeto bilang isang bansang malaya. Marahi makakamit natin ang respeto ng ibang bansa kapag muling bumalik sa kaban ng bayan ang bilyon-bilyong ginto na nakatago sa indibiduwal na  pangalan. At mabayaran na natin ang ating mga pagkakautang sa ibang bansa. Ito na ang sinasabing, Golden Age ng Filipinas.” <Oct. 11/Email>

PLANO VS PDU30

BRYAN A. VICTORIO (Murphy, Quezon City) – “Maigi pa si Peter Wallace, US Economic Analyst, magaling siyang magbasa sa meaning ng bawat message ni Pangulong Duterte.  Marunong siyang mag-analyze in reading between the lines. Hindi siya katulad ng kanyang mga kababayan lalo na ang mga banyagang reporters na katakot-takot ang paghuhusga kay Digong.  Sabi nga niya,  ang “foreign media is taking Duterte’s statement literally instead of interpreting them.”

The speaking may not be politically, internationally acceptable, there is a need for people to understand and accept what he is.”

See, mabuti pa siya malawak ang kanyang pang-unawa sa ating Pangulo. Kaya lang naman nagkakaganoon ang Pangulo dahil nais lamang niyang bigyan nang konting respeto ang bansang Filipinas.

Nais niyang pantay-pantay lamang. Hindi bow nang bow sa Amerika katulad ng ibang naging presidente.

Hindi ba pumalag din si dating Pangulong Marcos noon kaya nagkaroon ng planong pabagsakin siya.

Ayun nagtagumpay ang balak nila.

Ngayon, may niluluto na namang planong patalsikin si Pangulong Duterte katulad ng ginawa nila kay Marcos. Payag ba kayo mga kababayan ko?

Kaya laging magmasid at makialam sa pamamalakad ng gobyerno dahil lahat tayo ay apektado nito.” <Oct. 6/Email>

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *