Tuesday , January 14 2025

Robin, ipinarerebisa ang batas na nagbabawal sa marijuana

ANG number one subject ngayon sa showbiz ay droga pa rin. May napansin lang kami, roon sa ginawang drug test ni Martin del Rosario, na incidentally ay tama dahil isinagawa iyon sa Jose Reyes Medical Center, na nasa ilalim mismo ng DOH at kung ganoon ay legal na dokumento ang pinalabas na resulta, nakalagay na ang test ay isinagawa for “the purpose of private employment”, at ang nag-request ay ang GMA Network. Ibig sabihin mayroon na silang ganoon standing rule ngayon sa kanilang mga artista na kailangang sumailalim sa drug testing.

Doon naman sa kabila, sa ABS-CBN, sinabi nilang sila mismo ang nagpa-conduct ng drug testing, hindi nga lang maliwanag kung sino ang gumawa ng tests, kung saan ginawa ang tests, at walang inilabas na resulta, basta sinabi nila nakita nila negative naman ang mga artista nila. Karapatan din naman nilang ilantad o itago ang resulta.

Open ang aktres na si Angel Locsin sa pagsasabing pabor siya sa kampanya laban sa droga. Eh kasi naman bukod sa pagiging isang aktres ay athlete iyang si Angel. Swimmer siya noon. Nagsabi ring pabor si Ariel Rivera.

Si Robin Padilla naman ay may naiiba ang stand. Gusto niyang rebisahin ang batas na nagbabawal sa marijuana, at sinabi pang hinihingi iyon ng yumaong character actor na si Dick Israel upang magamit bilang gamot, pero hindi niya naibigay dahil bawal.

Iyang medicinal use ng marijuana ay pinagtatalunan pa rin hanggang ngayon. Bagamat may ilang estado sa US na pumapayag sa paggamit niyan for “medical purposes”, sinasabing iyon ay kailangang gamitin “under supervision”. Ibig sabihin hindi rin pinapayagan iyong humitit ka ng marijuana at basta sabihin mong gamot mo iyon.

Dito sa Pilipinas ganoon din. Maaaring gamitin ang marijuana, maski nga morphine eh, basta nasa ilalim ng medical supervision. Papayagan iyan ng DOH basta talagang kailangan. Pero iyong sasabihin ninyong sariling gamit, malabo iyan. Sa kampanya laban sa droga ng gobyerno ngayon, malabong lumusot iyan sa kongreso, unless may napakalakas na lobby mula sa mga drug lord.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Jillian Ward

Jillian Ward pinaghirapan kung anong mayroon siya ngayon

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng Kapuso Princes na si Jillian Ward sa 24 Oras na …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Richard Somes Topakk

Arjo emosyonal habang nagpapasalamat sa ‘pamilyang’ nabuo sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales GIVEN na naman yata na kapag Metro Manila Film Festival, hindi …

Rebecca Chuaunsu Mother Lily Roselle Monteverde

Mother Lilly at Roselle inspirasyon ni Rebecca ng Her Locket

MATABILni John Fontanilla INSPIRASYON ng film producer na si Rebecca Chuaunsu sina yumaong Mother Lily Monteverde at anak nitong …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen Robin iginiit Pilipinas huling-huli sa pagsusulong legalisasyon ng medical marijuana

RATED Rni Rommel Gonzales TODO ang suporta kay Senator Robin Padilla ng mga kilalang pandaigdigang eksperto sa …

Gerald Santos

Gerald fresh pa rin ang trauma kahit 19 taong nanahimik

RATED Rni Rommel Gonzales ILULUNSAD sa Courage concert ni Gerald Santos ang advocacy niyang Courage Movement. Layunin nito na makatulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *