Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Love scene nina Lovi at Derek, napakainit na sa trailer pa lang

NAKITA namin iyong trailer niyong The Escort. Ito iyong pelikula nina Lovi Poe, Derek Ramsey, at Christopher de Leon. Doon pa lang sa trailer, napakainit na ng love scene nina Lovi at Derek. Hindi namin alam kung gaano kahaba ang love scene na iyon o kung iyon na ba ang pinakamainit na bahagi ng eksena. Malalaman mo lang naman iyon kung mapapanood mo ang buong pelikula sa kanyang integral version, o director’s cut.

Iyon ang mga eksenang aalisin, o lalagyan ng note na “shorten” kung may sensura pa tayo sa pelikula. Ewan namin kung makaaabot sa mga ganyang eksena si Lovi kung nabubuhay pa ang tatay niyang si FPJ.

Pero mainit talaga ang mga eksenang iyon. Ang naalala namin ay iyong mga pelikulang nagawa noong mga late 80’s na nagsisimula ang mga pelikulang kung tawagin ay “sex trip”.

Pero ganyan naman talaga ang pelikula. Bumabalik-balik lang ang uso. Ang mahalaga lang ay kung napangalagaan naman nang husto ang mga ganoong eksena, kung bahagi iyon talaga ng istorya. Hindi kagaya noong araw na ang mga eksenang mas masahol pa nga riyan ay basta isinisingit na lang sa pelikula.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …