Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kailan ba talaga magsisimula ang show ni Tetay sa GMA?

MARAMI ang nagsasabi na big help talaga for Kris Aquino ang paulit- ulit na balitang malapit nang magkaroon ng TV show sa GMA para ‘wag mawala sa sirkulasyon.

Nabalita pa ngang sa September 22 na ang taping pero hindi naman natuloy sa hindi malamang dahilan. May sabi-sabi ring hindi pala open arms ang alok mag-show kay Tetay kundi block timer daw na co-producer muna siya ng APT Entertainment. At kapag nag-click, at saka itutuloy-tuloy ang pagpapalabas sa Siete.

Ang problema, wala namang balita kung kailan ba magsisimula ang show. Hindi kasi alam kung anong klase ba ng show. May big stars din ang APT na makakasama si Tetay sa show kaya hindi niya solo iyon.

Ang Hindi Nakikitang Pakpak musical play, mapanonood na sa Oct. 22

SA October 22-28 na mapapanood ang musical play na handog ng Stage Entertainment Productions with Heavens Best Entertainment ang Ang Hindi Nakikitang Pakpak ni Rita Avila.

Ang Ang Hindi Nakikitang Pakpak ay ididirehe ni Joey Ting, music ni Barbie Dumlao, adaptation ni Noel Tolentino, at prodyus ni Peter Serrano. Mapapanood ito sa St. Scholastica’s College at inieendoso nina Cardinal Luis Antonio Tagle at Bishop Honesto Ongtioco.

Kaya naman hindi kataka-taka na ganoon na lamang ang kasiyahan ni Rita dahil sobra ang blessed sa kanya ni Lord.

Masaya rin ang aktres dahil mataas ang ratings ng Magpahanggang Wakas ng ABS-CBN2.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …