ANG lakas ng mga tsismis tungkol kay Doc. Mga artista ring malapit sa kanya ang nagkakalat ngayon ng kanyang umano’y relasyon sa isangmale star. Matagal nang pinagdududahan ang gender ni Doc pero hindi naman siya out eh. May pamilya rin si Doc.
Pero hindi kasi siya maingat eh. Nakikita siya sa mga public place na may kasamang kung sino-sinong nakapagdududa naman talaga. Ok sabihin natin, marami rin siyang kaibigang stars, pero hindi mukhang likely na sila ang ka-date niya.
Ngayon, ang tsismis pa, dinadala na raw niya ang dates niya sa kanyang resthouse sa Tagaytay. Aba star!
( Ed de Leon )