TALAGA palang hindi pa rin nasasawata ang talamak na pandaraya sa buwis ng mga magnanakaw sa Bureau of Customs (BOC) hangga ngayon.
Ito ay kahit ilang beses nang nagbabala si Pang. Rody Duterte laban sa mga corrupt na opisyal at empleyado ng pamahalaan na itigil na ang kanilang kawalanghiyaan.
Mas matindi pa nga raw ang mga adik sa pagnanakaw kung ikokompara sa mga adik sa ilegal na droga na malaki na ang ibinawas mula nang maluklok sa puwesto si PDU30.
Nagbabala na rin si PDU30 sa mga empleyado at opisyal ng pamahalaan na pumunta o pumasok sa mga pasugalan dahil isa ito sa dahilan ng pagnanakaw sa pera ng mamamayan.
Pero balewala sa isang section chief ng Customs sa Manila International Container Port (MICP) ang babala ng pangulo.
Siya ang binansagang “MR. TARA” ng MICP na inirereklamo sa sobrang katakawan sa pera at bigtime na pangongotong kahit sa mga legal na lumalakad ng kargamento.
Napag-alaman na lulong pala siya sa bisyong pagsusugal kaya parang naghuhuramentado kung humataw ng “tara” ang tarantado.
Tinatawag din na “Palundag Section” dahil sa kanya pinatatalon ang mga kargamentong kargado ng kontrabando pati ang highly taxable goods na hindi pinagbababayad nang karampatang buwis sa pamahalaan.
Nakararating si MR. TARA kung saan-saan para magtapon ng kanyang kinita sa mga sabungan at nakaaabot siya mula Marikina hanggang Antipolo para makapagsugal.
Pero masaya ang mga smuggler, kahit malakas mangotong sa kanila si Mr. Tara ay sulit naman daw dahil kahit peke ang isinusumite nilang AFTA forms ay nailalabas nila ang kanilang mga kontrabando sa MICP.
Siyempre, dahil peke ang AFTA forms na ipinoproseso sa kanya, lagi namang paldo ang bulsa ni Mr. Tara tuwing siya ay magtutungo sa mga pasugalan.
Kapag walang schedule ng sabong, kung saan-saang casino naman makikitang nagpapatalo si Mr. Tara.
Hataw din ang UNDERVALUATION at MISDECLARATION sa Palundag Section ni Mr. Tara.
Aantayin pa ba ni Commissioner Nicanor Faeldon na masilip ng ibang malalapit kay PDU30 ang talamak na katarantaduhang nagaganap sa MICP?
Para saan pa ang mga ikinalat kuno na CCTV sa Customs kung hindi rin naman pala kinatatakutan ng mga tulad ni Mr. Tara?
Coll. Pascual, kilala mo na ba kung sino si Mr. Tara?
“SAGING NA SABA” AT VIDEO NG “BJ”
ISA sa lumutang na testigo kahapon si Sgt. Jonel Sanchez sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House of Representatives Committee on Justice laban kay suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima.
Si Sanchez ay miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at noon ay detailed close-in security-bodyguard ni De Lima sa Department of Justice (DOJ).
Ang pagtestigo ni Sanchez ay nagpatunay na “for official use also” ang relasyon ni De Lima sa kanyang dating driver-lover na si Ronnie Dayan.
Si Dayan ang itinuturo ng mga testigo na umano’y ‘bagman’ ni De Lima at ‘kumokolekta’ ng ‘drug money’ at nagmaniobra ng illegal drugs trade sa loob at labas ng New Bilibid Prison (NBP).
Matindi pa sa pinagsamang lakas ng bagyong ‘Ondoy’ at ‘Yolanda’ ang isinawalat ni Sanchez na nagkakainan si De Lima at ang kanyang ‘basta’t driver ay sweet lover’ na si Dayan.
Ayon kay Sanchez ay siya pa nga ang bumili ng nilagang saging na saba at saksi siya na nagsusubuan pa sa pagkain sina De Lima at Dayan sa isa’t isa.
Nasisiguro nating marami ang kung ‘di man nasuka ay tiyak na napasigaw ng “Yuck!” sa dalawang video ng sex scandal ni De Lima, ang isa rito ay kuha habang hubo’t hubad siyang naliligo.
Wala sanang masama sa naliligo nang hubo’t hubad, pero ang hindi normal ay nagpapakuha ng video habang naliligo.
Karaniwan na lang ang nababalitang mga sex scandal video ng mga nasa showbiz, pero ang hindi natin masikmura ay kaya palang gawin ito ng isang naturingang mataas na opisyal sa pamahalaan.
Hindi sa ano pa man, pero para sa akin, sobrang mahalay ang pagpapakuha ng video o larawan habang nakikipag-sex at ang makagagawa lamang nito ay marumi at may diperensiya ang pag-iisip – lalake man o babae.
At ang mas matindi, ang eksena ng “BJ” as in ‘blow job’ na isiniwalat ni Sanchez.
Aywan lang natin kung totoo ang balita na sa tagpong ito rin ng BJ ay may humahagutak na sound effects pa raw na maririnig, bukod sa tunog ng mga halinghing.
Samantalang no’ng una, palaban si De Lima na hindi siya apektado at todo-tanggi, hindi raw siya ang nasa video na nakikipag-sex.
Gustong palitawin ni De Lima noong una na nagsisinungaling ang Department of Justice at inakalang bluff lamang ang sex video dahil inakala niya na tinutukoy ni Sec. Vitaliano Aguirre ang kumalat sa mga social media na nakahahawig lamang niya.
Pero nang masimulan ang imbestigasyon sa Kamara ay biglang nagbago ang ihip ng hangin, ultimo ilang alagad ng simbahan ay biglang tinututulang maipalabas ang sex video.
Sa aking palagay, ang talagang ikinatatakot ni De Lima at ng mga kasabwat niya, kapag naisapubliko ang sex video ay wala nang matitira, ni katiting, para paniwalaan pa ang anomang sasabihin niya kaya tuluyan na siyang madidiin sa kaso ng droga.
Kahit may batas pa na nagbabawal sa pagpapalabas ng maseselang video, ito ay isang uri lang ng crime against person.
Payagan man o hindi, sa malao’t madali, ay kakalat din ang sex video na tinututulang maipalabas sa Kamara.
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG – Percy Lapid