MAY nagkuwento sa amin na palakasan daw ng palakpak at sigawan ang mga bakla at matronang nanonood sa show nina Rocco Nacino, Jake Vargas, Aljur Abrenica, at Derrick Monasterio.
Nakatutulig daw ang sigawan noong mag-topless si Derrick at ipinakita ang katawan. Humanga rin ang marami kina Jake at Rocco. Sulit na sulit daw bayad ng mga nanood.
Ang problema lang, may kumukuwestion kung bakit hindi nag-topless si Aljur? Na-insecure ba siya o kaya may nagbabawal na sa kanya na gawin ang paghuhubad sa publiko?
Sayang maganda pa naman ang katawan ni Aljur dahil mala-Machete ito.
Si Jake raw ay medyo out of focus dahil matataas mga kasama at mukha pang totoy para mag-topless.
SHOWBIG – Vir Gonzales