GAANO kaya katotoo ang balitang tumataginting na P800-M ang kontratang pinirmahan ni Kris Aquino sa Kapuso Network kapalit ng mga proyektong gagawin niya sa GMA 7.
At ang teleseryeng pagsasamahan nga ng sinasabing reel and real loveteam na sinaAlden Richards at Maine Mendoza (AlDub) ang unang seryeng gagawin ni Kris at ito raw ang remake ng pelikulang isasa-telebisyon ng GMA ang, Sinasamba Kita na unang pinagbidahan nina Star for All Season Vilma Santos, Drama KingChristopher De Leon, Philip Salvador, at Lorna Tolentino.
At ngayon nga ay pagbibidahan nina Kris, Maine, Alden, at Dingdong Dantesayon na rin sa bulong-bulungan. Bukod ditom may iba pang mga proyektong gagawin si Kris sa GMA.
MATABIL – John Fontanilla