Monday , December 23 2024

Customs at Immigration ipatawag sa imbestigasyon ng Committee on Justice

00 Kalampag percyBASE sa testimonya ng mga testigo, may sapat na ebidensiya para madiin sa kaso si Sen. Leila de Lima bilang protector ng illegal drugs.

Ito ay sa kabila na may mga testigo pa na nakatakdang magsalita sa investigation in aid of legislation ng House of Representatives Committee on Justice.

Ibig sabihin ay madaragdagan pa ang mga ebidensiya na magsasadlak kay De Lima sa kulungan, kasama ang kanyang mga galamay.

Pero mas magiging maliwanag ang istorya sa paglaganap ng ilegal na droga sa bansa  kung isasamang ipatawag din ng Kamara ang mga opisyales ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration (BI).

Mula kasi nang ilarga ng administrasyon ni Pang. Rody Duterte ang giyera kontra illegal drugs, marami-raming dayuhan na rin ang nadakip sa matagumpay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Karamihan sa kanila ay mga “chemist” na Chinese nationals at pawang naaresto sa magkakahiwalay na raid sa mga shabu laboratory sa bansa.

Sa mga napaulat na laboratoryong sinalakay ng mga operatiba ay nakasabat ng chemicals imported from China na gamit bilang sangkap sa paggawa ng shabu.

Hindi marahil naipasok sa bansa ang mga makinarya sa pagtatayo ng mga laboratoryo at chemicals na sangkap sa paggawa ng shabu kung sa Customs pa lang ay nasabat na.

Hindi rin marahil nakapasok sa bansa ang mga dayuhang chemist dahil sa pagkakaalam natin ay kabilang ang mga Chinese sa itinuturing na “restricted nationalities” ng BI.

Mas magiging malakas pa ang kaso ng ating pamahalaan laban kay De Lima at sa kanyang mga galamay sakaling ang mga Chinese chemist at nakapasok sa panahon niya bilang noo’y kalihim ng DOJ.

Matatandaan, sa panahon ng nakaraang administrasyon ay dumami ang dayuhang Chinese pero ang hindi maliwanag ay kung paano sila nabigyan ng kaukulang visa na makapasok sa bansa.

Hindi lamang sa pamamalakad ng NBP napabalitang sumasawsaw ang dating driver-lover ni De Lima na si Ronnie Dayan, kundi pati sa tanggapan ng isang dating mataas na BI official ay malimit siyang makitang nakikipag-usap.

At sa pagkakaalam natin, sina De Lima at ang paborito niyang commissioner na si Siegfred Mison ay kapwa “oragon” at magkababayan.

Ang malaking palaisipan ay kung bakit ang mga dating malalapit sa kusina nina De Lima at Mison ang nakursunadahang ibalik ni BI Commissioner Jaime Morente sa puwesto.

Anak ng puto’t kutsintang buhay ‘to, kaya tuloy ang maliligayang araw nina BI spokesperson Antonette Mangrobang at chief of staff Norman Tansingco sa tanggapan ni Morente.

Sino-sino ang mga kasabwat na opisyal o tauhan ng BI ang tumulong sa mga Chinese chemists para makapasok sila sa bansa?

Ito rin ang katanungan hindi lamang sa mga opisyal at empleyado ng Customs, kundi pati sa mga importer at broker cum smugglers na lumakad sa mga kargamento upang mailusot ang mga equipment ng laboratory at sangkap na chemicals sa pagluto ng shabu?

SHABU LAB EQUIPMENT,
CHEMICALS SMUGGLING
NI ‘J.R. TULE’ SA BOC

KUMALAT na parang apoy ang balita na isang alyas “J.R. TULE” ang lumakad para umano mailusot sa Customs ang natimbog na mega-shabu laboratory sa Barangay Lacquios, Arayat, Pampanga nitong nakaraang linggo.

Sa kasaysayan ng illegal drugs, baka ito ang pinaka-malaking laboratoryo na naitayo sa bansa na abot hanggang 300 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu ang kayang iluto o katumbas ng halagang P1.5 bilyon kada araw.

Usap-usapan na itong si J.R. Tule na broker cum smuggler ang lumakad para mailusot sa Customs ang mega-shabu laboratory na natimbog sa Arayat.

Kamakailan lang ay inalarma na natin sa pitak na ito ang malakasang smuggling raket ni J.R. Tule ng mga China products sa Customs.

Kaya naman pala napakabilis nang pagyaman ng tarantadong smuggler na nagmamay-ari na ngayon ng isang malaking resort sa Pangasinan at mga paupahang townhouse.

Teka, hindi kaya kasama si J.R. Tule sa network ng driver-lover ni De Lima sa Urbiztondo, Pangasinan?

Ilan kaya sa mga naunang shabu laboratory na nahuli ng mga awtoridad na itong si J.R. Tule ang nagpalusot sa Customs?

Para hindi raw mapagkamalang bigtime smuggler si J.R. Tule, lumulutang siya sa Customs na naka-tsinelas at karaniwang T-shirt lamang ang kasuotan para hindi pansinin.

Pero ang kanyang mga tauhan ay pawang magagara at modelong SUV ang gamit na sasakyang ipinaparada sa bakuran ng Customs.

Speaking of Arayat, may kinalaman ba ang isang dating “taga-kolektong” ng Customs Enforcement Security Service (ESS) na si “LTQ” sa nahuling mega-shabu laboratory sa Arayat.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *