Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, sisikat pa rin kahit sino ang ipareha (Sakaling ‘di nasangkot si Albie sa buntis issue)

ANG tsismis, nagmamadali raw umalis si Andi Eigenmann sa isang affair at halatang umiiwas na makausap ng press. May dahilan naman siya. Siguro hindi pa siya handa na magsalita tungkol sa pagkakabulgar sa publiko ng katotohanan na ang ama ng kanyang anak ay si Jake Ejercito. Bagamat marami naman ang nakaaalam niyan, narinig namin iyan mula mismo kay Andi, kaya nga lang walang public admission, at may panahon na ang talagang tinutukoy niyang ama ng kanyang anak ay si Albie Casino.

Ngayon si Andi ang nalalagay sa alanganin. Lumalabas na binola niya ang publiko sa pagsasabi noong si Albie ang tatay ng anak niya. Lumalabas na unfair siya sa kanyang ginawa kay Albie. Hindi naman kasi maikakaila na dahil sa controversy na iyon ay nasira ang career ni Albie. Malakas sana ang dating niya noon bilang leading man ni Kathryn Bernardo sa Mara Clara, pero nawalan siya ng assignment dahil sa controversy na nilikha ng pagbubuntis ni Andi.

Pero palagay naman namin, sobra na iyong sinasabi ng iba riyan na kung hindi nangyari iyon kay Albie ay hindi sana nakaarangkada ng ganyan si Daniel Padilla. Ang paniwala naman namin, si Daniel, sino man ang makapartner sisikat din talaga iyang batang iyan. Magaling naman siyang umarte at masasabi nating napakalaking advantage ng mukha ni Daniel. Kung sabihin nga nila, ”parang Aga Muhlach noong araw”.

Hindi mo masasabi kung ano ang mangyayari, pero siguro parang mali naman iyong sabihing kung hindi nila ginanoon si Albie ay siya sana ang nasa puwesto ni Daniel Padilla ngayon. Sobra namang presumption iyon. Maaaring mas sumikat nga si Albie dahil talagang nabara ang kanyang career dahil sa controversy, pero hindi naman masasabing siya sana ang sikat at hindi si Daniel.

Tungkol naman kay Andi, talagang marami siyang kailangang ipaliwanag.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …