Monday , December 23 2024

Bakit ba sumisipsip kay PDU30 si Erap?

00 Kalampag percyNAGKAKANDARAPANG magpapansin kay Pang. Rody Duterte si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Panay na panay ang epal ng ex-convict para makapagpakita ng suporta at katapatan kay PDU30 na nagpadapa sa mga ikinampanyang presidentiable ng kanyang angkan na sina Sen. Grace Poe, dating DILG sec. Mar Roxas at dating VP Jojo Binay.

Matatandaang tinawag na “WALANG FINESSE” o bastos ni Erap si PDU30 at kinutya pa na “PANG-DAVAO” lang noong kampanya.

Pero ngayon ay ‘di magkandatuto ang sentensiyadong mandarambong na si Erap kung paano mabobola at uutuin si PDU30.

Ang masama, gusto pang pagnakawan ni Erap ng eksena si PDU30 at umaastang akala mo ay siya ang pangulo at nagpanukala sa inilunsad na kampanya ng kasalukuyang administrasyon kontra illegal na droga na umaani ng tagumpay.

Kamakailan lang, ipinasa ni PDU30 sa Philippine Army (PA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panibagong listahan na umaabot ang bilang sa 1,000 national at local officials, kabilang ang 40-hukom na sangkot sa ilegal na droga.

Sa pagkakaintindi natin, ibinigay ng pangulo ang listahan sa AFP dahil posibleng may mga pulis din na sangkot kaya nga ipinapanukala rin ni PDU30 na isailalim muli ang pulisya sa militar, tulad ng PC-INP set-up.

Para hindi mahalatang nataranta dahil may gustong pagtakpan sa ilegal na droga, agad nagpalabas ng “press release” si Erap na kunwari ay suporta na akala mo ay siya at hindi si PDU30 ang pangulo.

Kesyo, gagamitin niya ang mga sundalo na magsilbing instructor na magtuturo ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga, hindi lamang sa Maynila kung ‘di sa buong bansa pa raw.

Bakit, kinakabahan ba si Erap na matanggal sa puwesto sakaling makatotohanan ang ipinasang listahan sa AFP o nababahala siya para kay Jude?

Ang pagsipsip-buto kaya ni Erap ay walang kinalaman sa nalalapit na pagtestigo ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino na magugunitang inaresto sa isang condo sa Sta. Cruz, Maynila?

Abangan!!!

AFINADO KAYA KUMANTA
SI COLONEL MARCELINO?

SI Col. Marcelino ay naghain ng mosyon sa Manila Regional Trial Court matapos mabaligtad ang unang pagkakabasura ng Department of Justice (DOJ) sa kasong possession of dangerous drugs laban sa kanya.

Si Col. Marcelino at ang umano’y Chinese asset-interpreter na si Yan Yi Shou ay dinakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong January 21, 2016 sa isang condominium sa Sta. Cruz, Maynila.

Para sa akin, hindi na importante ang duda na kung kaya rumesponde sa paghahain niya ng mosyon si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta ay may kapalit sa kanyang pagtestigo laban kay suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima.

Madali naman malalaman ng publiko kung kasinungalingan o katotohanan ang mga ipapahayag ni Marcelino sa pagdinig ng Kamara tungkol sa pagkakasangkot ni De Lima bilang protektor ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Ang mas mahalaga na nais marinig ng publiko ay kung ilalahad sa testimonya ni Marcelino kung sino ang personalidad na pakay ng kanilang “surveillance” at kung sino ba ang nagmamay-ari ng condo unit na nagsilbing laboratoryo ng shabu.

Nais din natin marinig kay Marcelino kung gaano na katagal nang nag-operate ang naturang laboratory ng shabu, base sa ginawa nilang paniniktik sa condo.

Bago maluklok sa Palasyo si PDU30, lahat ng pinakamalaking huli ng illegal na droga ay sa Maynila naganap.

Isa na rito ang pagkakaaresto sa hepe ng District Anti-Illegal Drugs ng Manila Police District (MPD) at 14 niyang tauhan matapos mahulihan ng 5-Kilong shabu at pera na nakatago sa kanilang locker sa isinagawang raid ng MPD-SWAT noong 2014.

Hangga ngayon, wala pang balita kung may naisampa nang kaso ang Manila Prosecutors Office sa hukuman laban sa mga naarestong pulis.

Subaybayan na lang natin kung si Col. Marcelino ay afinado o nasa tono kumanta!

PAGSUGPO SA ILLEGAL,
PAGDAKIP SA WANTED
NALIMUTAN NA NG PNP?

DAHIL sa inilunsad na giyera kontra ilegal na droga ay nakakaligtaan na yata ng Philippine National Police (PNP) na may iba pa silang mahahalagang tungkulin na dapat gampanan.

Ito ay ang pagsugpo sa mga illegal at pagtugis sa mga wanted sa heinous crimes na dapat hulihin para panagutin sa batas.

Halimbawa ang isang Fidel Arcenas, Jr., na wanted sa pagpatay sa kanyang dating asawa na si Tania Camille Dee na isang empleyado ng banko noong nakaraang taon.

Sinasabing maimpluwensiya si Arcenas dahil siya ay anak ni Fidel Arcenas, dating adviser ni Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan na naging adviser din ni dating Sen. Lito Lapid at nanungkulan bilang provincial administrator sa panahon ni Mark Lapid.

Ang bangkay ni Dee ay natagpuang ibinaon sa mismong lot eng bahay na inookupahan ng dating asawang si Arcenas at kinakasama nitong Angela Dychioco, sa Angeles City.

May mga nagsasabing sadya raw hindi hinuhuli ang mga suspect kahit may mga impormasyong nakikita silang pagala-gala lang.

Habang ang mga illegal terminal at pasugalan ay tuloy din ang pamamayagpag.

Sino kaya ang nagbibigay ng proteksiyon sa kanila?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *