Monday , December 23 2024

“Oplan: Cronus” sinabotahe

00 Kalampag percyMALIWANAG na ang lahat kung bakit inilipat ni suspected illegal drugs protector Senator Leila de Lima ang Bilibid 19 sa National Bureau of Investigation (NBI) mula sa New Bilibid Prison (NBP) noon habang siya ang nakaupong kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Sa wakas ay nabuo ang kuwento sa salaysay ng mga bilanggo matapos tumestigo si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ngayo’y Philippine National Police (PNP) operations chief Director Benjamin Magalong sa imbestigasyon ng House committee of justice, kahapon.

Lumalabas na sinabotahe ni De Lima kaya nabulilyaso ang pinaghirapan at inihandang plano noon ng CIDG sa ilalim ng Oplan Cronus.

Nagkaroon ng matibay na pundasyon ang salaysay ng mga tumestigong NBP inmates na tumugma sa testimonya ni Gen. Magalong.

Si Gen. Magalong ay isa sa mga nalalabing propesyonal at mapagkakatiwalaang nilalang sa hanay ng mga opisyal sa PNP kaya’t masasabi na dahil sa kanyang kredibilidad ay puwedeng ipangutang ang kanyang testimonya.

Lumilitaw sa salaysay ni Gen. Magalong na sadyang inunahan ng mga dating opisyal na pinamunuan ni De Lima ang Oplan: Cronus sa pangambang mabuwag ang ikinamadang sindikato ng ilegal na droga sa loob ng NBP.

Si Gen. Magalong ay isa sa mga nalalabing propesyonal at mapagkakatiwalaang nilalang sa hanay ng mga opisyal sa PNP ngayon.

Kaya naman ang kredibilidad ng testimonya ni Gen. Magalong ay parang ginto na puwedeng isangla.

“POWER GRAB”

HINDI ba klarong “power grab” ang motibo sa pagpapatawag ni De Lima ng imbestigasyon sa Senado na nagmamaskarang “investigation in aid of legislation?”

Ayon sa isang senador, walang panukalang batas na naihain si De Lima bago siya nagpatawag ng imbestigasyon kundi isang resolusyon lamang ang kanyang pinagbasehan.

Pero nabigong maisulong ni De Lima ang kanyang “hidden agenda” na ang layunin ay unahan ang pagdiin sa kanya matapos makatunog sa inihahandang kaso laban sa kanya kaugnay ng inilunsad na kampanya ng administrasyon ni Pang. Rody Duterte.

Alam ni De Lima at ng mga protektor ng ilegal na droga na walang sasantuhin ang inilunsad na kampanya ni PDU30 kaya ang tanging paraan ay mapatalsik ang pangulo sa pamamagitan ng destabilisasyon, sa ngalan ng palsipikadong malasakit na pinamagtang: “Human rights violation.”

SUMISIKIP ANG MUNDO
NI SEN. LEILA DE LIMA

AYON kay De Lima, nanganib daw ang buhay niya matapos isiwalat sa imbestigasyon ng Kamara ang numero ng kanyang cellfone.

Lumipat na rin daw siya ng tirahan dahil sa mga natatanggap na pananakot sa text.

Nagrereklamo siya gayong kasama naman talaga sa trabaho ng mga public official ang panganib sa buhay.

Kung may banta man sa buhay ngayon si De Lima ay walang ibang dapat sisihin kung hindi siya rin mismo dahil sa pagmamatigas at pag-iwas na makipagtulungan sa imbestigasyon ng pamahalaan laban sa kanya.

Ayaw niyang harapin ang kanyang accountability o pananagutan sa batas bilang isang opisyal ng pamahalaan.

Ang hirap kasi sa mga walanghiya sa pamahalaan ay malalakas lang ang kanilang loob na gumawa ng kahayupan kapag nasa kapangyarihan pero hindi naman handang panagutan ang kanilang kasalanan.

Kaya si De Lima rin ang gumagawa ng sarili niyang multo.

KAMPANYA VS DROGA
DAPAT ITULOY

MULA sa London, United Kingdom, ang reaksiyon ni Michael Elvis, isang Pinoy na tagasubaybay ng malaganap na programang Lapid Fire na napapanood sa 8Tri-TV via Cablelink TV Channel 7 at sabayang naririnig sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz), tuwing umaga, 9:00-10:00am, Lunes hanggang Biyernes:

“Hinahadlangan si DU30 ng  EU dahil  kung magtagumpay siya sa kampanya, gagayahin siya ng iba para makontrol ang droga sa kanilang bansa, lalo sa Mexico at Brazil dahil magbubunga ito ng maraming  mapapatay sa kanilang mga bansa kapag ginaya nila  si DU30 sa  paraan ng pagsugpo sa  droga. Puwede rin sabihin ng mga pinuno ng mga bansang talamak sa droga, kung nagawang magtagumpay ang presidente ng Filipinas sa pagsugpo sa droga, magagawa rin natin. ‘Pag nagtagumpay s’ya, tutularan siya ng ibang bansa. Kailangan talaga nilang ihinto ang kampanya ni DU30 dahil hihina ang kita ng mga  drug lord sa kani-kanilang bansa na maaaring sangkot din ang mga  taong gobyerno nila. Kaya ‘wag dapat  ihinto ni DU30  ang kanyang kampanya kahit anong mangyari, kahit sinong bumangga, ituloy ang kanyang kampanya!”

SINGER MARK MABASA
AT ‘RHYTHM OF THREE’
‘LIVE JAMMING’ GUESTS

PANAUHIN bukas ng gabi ang X-Factor Phils. finalist at international artist na si Mark Mabasa sa pagbabalik ng programang ‘Live Jamming.’

Bukod kay Mark Mabasa ay panauhin din ang mahusay na bandang ‘The Rhythm of Three’ – binubuo nina Joey Cañeja, Dada Cañeja at Rene Tolentino – na kararating lamang mula sa matagumpay na pagtatanghal sa isang sikat na international cruise ship.

Ang Live Jamming ay mapapanood tuwing Sabado ng gabi, mula 11:00 pm hanggang 1:00 ng hatinggabi, sa 8Tri-TV via Cablelink TV Channel 7.

Masusubaybayan din ang programa sa buong mundo via live streaming sa website ng 8TriMedia Broadcasting Network.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *