Friday , November 15 2024

MPD ‘di raw sakop ang Plaza Lawton, ilegalista libre na

00 Kalampag percyNANG maging panauhin kamakailan sa isang media forum si Manila Police District (MPD) Director Sr. Supt. Jigs Coronel, naitanong raw sa kanya kung bakit hangga ngayon ay namamayagpag ang illegal terminal ng mga kolorum na UV Express ni Aling Burikak na bruha sa Plaza Lawton.

Ang sabi raw ni Coronel ay hindi na sakop ng kanyang tanggapan at ng MPD ang Lawton na teritoryo ni dating 1st Dist. Councilor Dennis Alcoriza, director ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB).

Ano? Anak ng puto’t kutsinta naman, Sir!

Bakit hindi mo man lang ipinaalam kahit sa media kung kailan pa nagsimulang hindi masakop ng MPD ang krimen at paglabag sa batas basta’t sa Lawton nangyari?

Ibig n’yo bang sabihin ay walang gagawin ang pulis kahit makita sa akto na nilalabag ang batas?

Wala rin ba kayong gagawin kung sa Lawton isasagawa ang lahat ng ilegal tulad ng pasugalan, droga at iba pang krimen?

Hmmm! Kaya naman pala hindi nalulutas ang ilegal na droga sa Maynila.

Ito ba ang pagkakaintindi ni Coronel sa pagbabagong isinusulong ni Pang. Rody Duterte at ni PNP Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa?

Sir, masasabi mo rin ba ‘yan kay PDU30 at Gen. Bato?

CREDIBLE WITNESS
ANG MGA PRESO

PARANG kinakatay na baboy si suspected illegal drugs protector Sen. Leila De Lima habang nagsasalita ang mga testigong iniharap ng Department of Justice (DOJ) sa imbestigasyon sa Kamara kahapon.

Mistulang tinatadtad siya ng matalas na pangkatay sa mga ipinagtapat nina Herbert Colangco, dating PNP major Rodolfo Magleo at iba pang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa kaugnayan ni De Lima bilang protektor nila sa ilegal na droga.

Simula pa lang ang paglabas ng katotohanan dahil 30 lahat ang nakalinyang ilulutang na testigo laban kay De Lima.

Pero alam n’yo ba kung bakit kapani-paniwala ang testimonya ng mga convict at preso na nagdidiin kay De Lima sa droga bilang protektor?

Bawal na bawal kasi sa mga preso ang magsinungaling, ‘yan ay batas at mahigpit na ipinatutupad sa loob ng mga bilangguan sa bansa.

Ang sinungaling na preso ay pinarurusahan ng mga kapwa niya bilanggo, pinadadapa at ilang ulit hinahataw ng “balila” na kung tawagin sa kanilang lengguwahe ay ‘tinatakalan’ sa puwet.

Masakit ang mahataw ng balila, isang uri ng matigas na pamalo na may apat na kantong matalas.

May mga dokumentadong ebidensiya nang nag-uugnay kay De Lima sa illegal activities na naganap sa NBP habang siya ay kalihim ng DOJ, ilan dito ang pag-uusap nila ni Colangco sa cellphone at ang money transfer.

FAKE AFTA FORMS
AT AUCTION SA BOC
PAIIMBESTIGAHAN

PAIIMBESTIGAHAN daw ng isang partylist congressman ang mga nasa likod ng malaking sindikato sa Bureau of Customs (BOC).

Sa nakarating na balita sa atin, ipinaiimbestiga raw ng nasabing mambabatas ang talamak na paggamit ng mga pekeng form o pormularyo ng Asean Free Trade Agreement (AFTA) sa BOC.

Nagtataka nga tayo kung bakit sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Nicanor Faeldon ay naipagpapatuloy ng mga damuhong broker cum smuggler ang paggamit ng pekeng AFTA forms sa kanilang smuggling business.

Hihilingin din umano ng naturang mambabatas na mag-imbestiga ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkatao ng isang nagngangalang “XIEMEN” na kumokontrol sa umano’y nangyayaring matagal nang katiwalian sa Auction Division ng Customs.

Kilala kaya ni Gerry Macatangay, hepe ng Auction Division sa Manila International Container Port (MICP), kung sino si Xiemen?

Abangan!!!

ANOMALYA SA PCSO

POSIBLE na multi-milyong piso ang pinaghati-hatian ng ilang mga dating opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa paglalagay ng anunsiyo sa isang malaking himpilan ng radyo noong administrasyon ni PNoy.

Si PDU30 na mismo ang nagbulgar na ‘di raw bababa sa mahigit kalahating bilyon ang ninanakaw sa pondo at kita ng PCSO kada buwan imbes ibinibigay sa mga kapos-palad na mamamayang nangangailangan ng tulong na makapagpagamot.

Siguro, dapat imbestigahan din ang isang himpilan ng radio na nagpasasa sa pondo ng PCSO.

Totoo kaya ang balitang pinondohan din ng malaking budget mula sa PCSO ang pagbubukas ng isang daily tabloid noong nakaraang administrasyon?

Tiyak na kakanta ng Do Re Mi si dating GM Joy Rojas kapag binusisi ng mga bagong opisyal ng PCSO ang misteryong ito.

‘Yan naman ay kung wala silang balak ipagpatuloy ang dating kalakaran sa PCSO.

LIVE JAMMING
SA 8TRI-TV

INAANYAYAHAN po namin ang lahat ng Cablelink TV subscribers na subaybayan ang pagbabalik ng ating LIVE JAMMING umpisa sa darating na Sabado (September 24).

Kasama ang mga beterano at mahuhusay na Pinoy Singers at Musicians na aming aanyayahan, ibabalik namin kayo sa inyong masasayang nakaraan sa pamamagitan ng inyong mga paboritong awitin at tugtugin.

Ang Live Jamming ay mapapanood tuwing Sabado ng gabi, 11:00 pm – 1:00 am, sa 8Tri-TV via Cablelink TV Channel 7.

Mapapanood din ang Live Jamming via live streaming streaming sa website ng 8TriMedia.

Sa mga hindi pa subscriber, magpakabit na agad ng Cablelink TV.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAGPercy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *