Thursday , December 26 2024

Arci, igina-guide ng yumaong ama kaya sinuwerte sa career

“I ’M just really thankful for every­thing and I believe that everything that is happening to me right now, I believe, si Papa, igina-guide niya ko.” Ito ang pahayag ni Arci Muñoz sa pagkakaroon ng sunod-sunod na proyekto, mapa-pelikula o telebisyon.

Maaalalang yumao ang ama ni Arci last February this year sa kasagsagan ng shooting ng pelikula nila ni Gerald Anderson under Star Cinema dahil sa sakit.

At ngayon nga ay bidang-bida na ito sa inaabangang teleserye sa Kapamilya Network, ang Magpahanggang Wakas katambal ang Asia’s Drama King na si Jericho Rosales at nakatakdang mapanood sa September 19 mula sa direkisyon ni FM Reyes.

Anito,  ”Feel ko, alam ko, nararamdaman ko na igina-guide niya ko.

“At si Lord, alam ko na inihahanda niya lang ako sa tagal ng hinintay ko at ‘yung journey ko para maging mabuti ako sa craft ko.”

Bukod sa pasasalamat sa kanyang ama, nagpapasalamat din si Arci sa Business Unit Head ng Magpahanggang Wakas na si Direk Ruel S. Bayani at sa director ng serye nila na si FM Reyes.

MATABIL – John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *