Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magpahanggang Wakas, tiyak na magiging paboritong teleserye

MAY mga nagsasabi na karamihan sa malalakas na leading men ay may edad na, kagaya nina Richard Gomez at Aga Muhlach. Kung hindi naman ay mga bata pa, kagaya nina Daniel  Padilla, James Reid, at Alden Richards. Wala raw tayong mga leading man na middle age na hinahabol pa rin ng fans.

Mukhang nagkakamali ang nagsasabi ng ganyan. Mukhang nakalilimutan nila na nariyan pa si Jericho Rosales, na bukod sa mahusay ay marami pa ring fans. Ang problema nga lang kay Jericho, paminsan-minsan lamang kung gumawa ng mga proyekto. Kaya nga ngayon, marami ang naniniwala na magiging paboritong serye sa telebisyon iyong MagpahanggangWakas, dahil siya ang bida.

Isang love story iyang Magpahanggang Wakas. May mga eksena ring medyo sexy ang dating, at sinasabi nga nila walang ibang makagagawa niyan sa ngayon kundi si Jericho. Kailangan diyan iyong character na hindi lang magaling umarte pero puwede ring maging daring. Kahit na nga sinasabi ni Jericho na kung minsan naiilang na rin siya dahil marami siyang mga eksenang nakahubad ng pang itaas lang naman, at least nagagawa pa rin niya.

Iyang mga ganyang klase ng serye, iyan iyong kagaya ng mga teleserye mula sa Mexico noong araw na sumikat sinaEduardo Capetillo at Fernando Carillo na gumawa pa ng isang teleserye rito sa Pilipinas. Sino nga ba ang makagagawa ng ganoong role sa ngayon maliban kay Jericho?

Bagamat masasabi nating malakas din naman ang dating ng kanyang leading lady na si Arci Munoz, hindi maikakailang ang kuwento ng seryeng iyan ay dadalhin ng leading man. Sa kanya iikot ang istorya, mula sa pagtatanggol niya sa kanyang girlfriend,hanggang sa makulong siya, hanggang sa inakala nilang pagkakapaslang sa kanya at sa kanyang pagbabalik.

Pero palagay naman namin, maganda ang kalalabasan ng seryeng iyan.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …