SA paglipat ni Kris Aquino sa GMA 7, marami ang nagsabing tuluyan na ring mawawalan ng career ang Queen Of All Media. Tuluyan na rin daw mawawalan ng kinang ang kanyang bituin dahil daw sa kanyang maling desisyon.
This is something new, new world for Kristeta na alam naman nating dito lang naman talaga sa Kapamilya Network tuluyang umariba ang career at sobra-sobra rin ang pagmamahal na ibinigay sa kanya.
But who knows guys, baka naman nagkamali tayo sa mga nakikita natin at nararamdaman ngayon, ‘di ba? Baka naman sa kabilang network ay lalo pa siyang sumikat at magkaroon ng maraming pera lalo na’t gagawa umano siya ng isang teleserye o show with the AlDub?
Well, that’s life! In everything na ginagawa natin sa ating buhay lalo na sa pagdedesisyon ay tayo ang may gawa niyon at kung nagkamali man tayo, someday, huwag natin sisihin ang ibang tao. Pero sa pakiramdam ko, kahit saan naman ilagay ang isang Kris Aquino, she’s so witty and smart at hindi ‘yan lulubog kundi lilitaw ‘yan as always! Goodluck Krissy! Naku! Love na love pa rin kita kahit wala ka na sa Kapamilya!
REALITY BITES – Dominic Rea