Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

Andi, nakabibilib sa The Greatest Love

KAKAIBA ang pag-arte nitong si Andi Eigenmann. Bilib ako sa kalibre ng aktres na ito na sa mata pa lang at buka ng bibig ay lumalabas ang kanyang lalim ng pag-arte sa kinagigiliwang afternoon serye The Greatest Love.

Kung sabagay, hindi mo na ito kukuwestiyonin dahil may pinagmanahan naman talaga si Andi mula sa kanyang inang si Jacklyn Jose at amang si Mark Gil na parehong mga award-winning actors sa local showbiz  huh.

Hindi ko rin maiwasang purihin ang seryeng ito dahil napakaganda ng istorya na napapanahon din huh. Given na rin ang pagiging magaling na aktor nitong si Aaron Villaflor. Hindi lang siya guwapo kundi tumatatak naman talaga lahat ng kanyang ginagampananng role sa telebisyon.

In fairness din dito kay Dimples Romana, hay naku, sisiw lang ang pag-arte niya. Napaka-natural lang din na ramdam mo ‘yung puso niya sa bawat eksenang ginagawa.

Winner as always ang mga teleserye ng ABS-CBN, mapa-hapon o gabi…waging-wagi ang Kapamilya!!!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …