Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lea, walang alam sa gawain ng kapatid; Maritoni, wala pang pahayag

ILANG araw lamang ang nakalilipas, nahuli sa isang buy bust operation ang kapatid sa ama ng singer-aktres na si Lea Salonga, Nakuha kayPhillip Mendoza Salonga ang high grade shabu at mga party drug, kabilang na ang ecstasy. Sinasabing possible na si Salonga ang source ng ibang mga artista at mga mayayamang kabataan dahil iyang mga ganyang klase ng tao lang naman ang makaka-afford na bumili ng ecstasy.

Nahuli si Salonga dahil itinuro siya ng dalawang iba pang pusher na unang nahuli, bilang siyang supplier din ng drogang ipinagbibili nila. Umamin naman siyang supplier siya pero sinasabi niyang hindi siya user ng bawal na droga.

Mabilis naman ang reaksiyon ng singer-aktres, at inamin niyang talagang kapatid nga niya sa ama ang nahuling pusher. Pero sinabi ni Lea na wala siyang alam sa gawain niyon, at mukhang hindi naman sila close dahil sinasabi ngang ang huli nilang pagkikita ay noong namatay ang kanilang ama. Matagal na rin naman iyon.

Sinabi pa ni Lea na kahit kapatid niya iyon, naniniwala siyang dapat panagutan niyon kung ano ang maling mga nagawa niya sa ilalim ng batas.

Bukod sa balitang iyan, narinig din namin na mayroon pang kapatid din ng female star na si Maritoni Fernandez ay sinasabing napatay sa isang drug related operations. Nakita na lang daw ang bangkay ng kapatid ng female star na may karatulang nagsasabing “ako ay pusher”.Pero wala pang statement diyan si Maritoni. Mukhang nanahimik din naman siya para pangalagaan ang kanyang image.

Sa ngayon nagkukumahog ang mga artista na malinis ang kanilang pangalan lalo na at isinasangkot sila sa droga. Hindi iilan iyong sumailalim na sa drug testing, pero kakatuwa nga lang na nagpapa-test sila sa isang commercial medical laboratory at hindi pa sa NBI o saPDEA mismo na siyang nagsasagawa ng mas mahusay at komprehensibong drud tests at legal pa.

( Ed de Leon )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …