Friday , November 15 2024

P6-Million ‘tongpats’ sa riles night market nina ‘Tamulmol’ at ‘Panot’ sa Recto-Divisoria

00 Kalampag percyPAGPASOK ng Setyembre nagsisimula ang “ber months” o panahon ng kapaskuhan o Christmas season na binubuo ng apat na buwan kada taon – September, October, November at December.

Ito rin ang hudyat para sa iba na simulan ang kanilang paggahasa upang pagkakitaan ang ipinapalagay na umano’y araw ng kapanganakan ni Hesukristo base sa itinakdang petsa ng kalendaryo.

Diyan hindi makapapayag ang mga ugok sa Manila City Hall na walang makakapantay ang katakawan sa salapi dahil at hindi sila makapapayag na hindi maging very, very happy ang kanilang Christmas.

Kaya naman ang dalawang hindoropot na alaga ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ay inilarga na ang pinalawak pang protection raket ng mafia at sindikato ng organisadong illegal vendors sa Maynila.

Kung dati ay mula sidewalk hanggang mga kalsada ng Divisoria ang illegal vendors, ngayon ay bukas na rin sa illegal vendors pati ang mga riles ng PNR, mula Claro M. Recto.

Isang dating konsehal na binansagang KONSEHAL “D.A. TAMULMOL” at isang “ENGR. LE-TSENG PANOT” ang “KOLEKTONG” sa NIGHT MARKET na binuksan para sa illegal vendors ng gulay, prutas at isda “ALONG DA RILES” ng Divisoria.

Ang hindi lang natin tiyak ay kung idineklara nina Konsehal D.A. Tamulmol at Engr. Le-Tseng Panot kay “Ma’am Laarni” na halagang P6-M ang kinikita nilang “tongpats” sa Night Market kada buwan.

Hindi kukulagin sa 6,000 vendors ng gulay, prutas at isda ang nakalatag sa kahabaan ng riles.

Halagang P300 ang singil na kinokolekta nina Konsehal D.A. Tamulmol at Engr. Le-Tseng Panot isang gabi kada “tarima” o lapag mula sa mga vendor.

Hindi pa ‘yan, Madam Laarni, kumukolekta rin ng bayad na halagang P800 sina Kon. D.A. Tamulmol at Engr. LeTseng Panot kada delivery truck para sa loading at unloading ng mga kalakal kada biyahe.

Ultimo ang mga magkakariton na sumasalo ng kalakal na gulay, prutas at isda mula sa mga delivery truck ay pinagbabayad din ng halagang P100 kada rekorida.

Dakila pa silang lilitaw dahil ang kinikikilan nila ay pinayagan naman nilang maghanapbuhay.

‘Yun nga lang, habang nagpapatulo ng pawis sa pagbabanat ng buto ang mga maliliit ay pinayayaman naman nila ang mga halang ang kaluluwa sa Manila City Hall.

Sa ganyang klase ng kahayupan at kalupitan sa maliliit ipinagdiriwang ng mga animal sa Manila City Hall ang paggunita sa panahon ng kapaskuhan.

Kawawa naman ang Pasko sa mga ganitong uri ng nilalang na pagdating sa kasuwapangan sa pera ay nagmana sa kanilang amo.

“TESTIGO” NI DE LIMA:
DESENTONADO NA KUMANTA,
WALA PA SA TIYEMPO

ISANG libo’t isang dakot na kahihiyan ang inabot ni suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima matapos magkalat ang inilutang niyang testigo tungkol sa extrajudicial killing sa Senado kahapon.

Biglang nakuping na parang siopao ang pagmumukha ni De Lima nang isa-isahin ng mga kasama niyang senador ang inconsistencies o hindi magkakatugmang istorya ng self-confessed killer at testigo na si Edgar Matobato.

Pero ang pinakamatindi ay nang ‘di sadyang maibulgar ni Matobato na nagtago siya sa Pangasinan, ang probinsya ng driver cum lover ni De Lima.

Saan kaya sa Pangasinan nagtago si Motobato, sa Urbiztondo ba?

Hindi lang desentonado kung ‘di wala pa sa tiyempo kumanta si Motobato para makahakot ng sisimpatiya sa kanyang amo dahil masyado pang maaga para ilihis at ilayo ang isyu na nag-uugnay kay De Lima bilang protektor ng mga convicted drug lords sa New Bilibid Prison (NBP) at sa paglaganap ng illegal na droga sa bansa.

Kulang sa rehearsal si Motobato, akala niya siguro ay madali lang ang mag-akusa kahit inamin niya na walang iba na tetestigo para magpatotoo sa kanyang mga kuwento.

Nasukol si Motobato nang baguhin niya ang kanyang naunang sinabi na personal niyang kilala si PNP Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na sa bandang huli ay amining hindi naman pala tototo.

Hindi rin nagawang ituro ni Motobato kung sino ang kanyang nilapitan at tumulong sa kanya para dumalo sa imbestigasyon ng Senado.

Paano niya nalaman na may nakatakdang pagdinig ang Senado kung walang tumulong at kumausap sa kanya, ‘di ba?

Halatang nagpupumilit pumapel si De Lima na pamunuan at pangunahan ang kung ‘di man pagpapabagsak ay destabilisasyon laban kay PDU30.

Isa pa, bago lumantad si Motobato ay wala pa pala siyang sinumpaang salaysay na maaaring pagbasehan kung tugma sa kanyang mga sasabihin sa pagdinig ng Senado kaya madaling nawasak ang kredibilidad niya at ng kanyang mga pinagsasabi.

Ang hindi inisip ni Motobato bago tumestigo ay posibleng pagtatangka sa kanyang buhay ng mismong mga taong gumagamit sa kanya para may maibintang lang kay PDU30.

Hindi ba maaaring arestohin ng awtoridad si Motobato para isailalim sa malalim na imbestigasyon kaugnay ng kanyang pag-amin sa mga krimen na kanyang ginawa?

Ano sa palagay n’yo, Justice Sec. Vitaliano Aguirre?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *