Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elmo, nahasa ang acting skills nang lumipat sa Dos

ISANG bonggang pasabog na finale ang inihanda ng Dreamscape para sa pagtatapos ng Born For You nina Elmo Magalona at Janella Salvador ngayong Biyernes na gaganapin sa Kia Theatre.

Ito mismo ang inamin sa amin ng dalawang sikat na bidang bagets sa  serye nang sadyain namin ang buong cast sa isang media visit sa BenPress-Ortigas.

Ayon sa dalawang bida, naging malaking bagay sa kanilang dalawa ang serye dahil lalong nakilala ng dalawa ang isa’t isa. Mas lalo ring naging close ang dalawa.

Masaya ring ibinalita ng dalawa na kahit matatapos na ang kanilang serye, nangako ang Dreamscape na may follow-up ito. Napansin lang namin ang pagiging guwapo lalo ngayon ni Elmo na simula nang lumipat sa Kapamilya Network ay lalong nagkaroon ng buhay ang  imahe lalo na ang pagiging aktor nito huh!

Hindi ko sinasabing magaling na siyang aktor kundi unti-unti nang nahahasa ang kanyang husay na hindi natin nakita noonng nasa kabilang network pa siya.

Well, wish ko na sana makabingwit ng isang malaking proyekto ang papasikat na aktor dahil promising naman talaga siya at pantasya na ngayon ng mga badidang noh.

Huwag niyo na akong tanungin kung bakit. Alam na.

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …