Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel dating ‘di pinapansin, ngayon pinupuri na

AKO mismo ay hindi makapaniwala mula sa pagiging butiking katawan noon niDaniel Padilla ay isang machong guwapito na siya ngayon. Tandang-tanda ko pa noong unang pumirma ng kontrata sa Star Magic si Daniel. Magkasama kami noon nina Queen Mother Karla Estrada at Armado Cruz, bale ikaapat si Daniel nang pumirma siya ng kontrata sa Star Magic at kitang-kita kong wala pang pumapansin sa kanya that time.

Alam mo naman diyan sa Star Magic, deadma-deadmahan ang kanilang peg na akala mo’y mga presidente lahat ang porma na walang kilala. Pero sabi ko pa noon sa mag-ina, darating din ang panahon na ‘yang mga ‘yan ay kikilalanin si Daniel at sa biyaya ng Panginoon ay dumating nga ang pagkakataon.

Sumikat ngayon ang aking apo at nakatutuwang isiping isang sikat at beteranang direktor na mismo ang nagbitiw ng magagandang salita patungkol kay Daniel. Mga papuring alam naman nating deserve ni Daniel dahil alam naman nating lahat at nakita naman natin kung paano pinagsikapang abutin ni Daniel at pinagtrabahuan ang lahat ng ito.

Actually, deserve ni Daniel ang papuring ito. Kitang-kita naman natin ang kanyang pag-grow hindi lang bilang isang tao kundi lalo na sa kanyang acting capability. Kapag sinubaybayan mo ang mga pelikulang kanyang ginawa, naku, masasabi mong pumaimbulog naman talaga ang aktor.

Kaya sa inyong lahat na nagbibigay ng tiwala sa kanya, sa lahat ng tiwala at pagmamahal at pagsuporta, maraming salamat talaga! Sa buong KathNiel sa buong mundo, maraming salamat talaga.

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …